Teknolohiya ng pananamit

Ang teknolohiya ng pananamit ay sumasakop sa paggawa, kagamitan at makabagong ideya sa disenyo na umusbong at ginamit. Sa kronolohiya ng teknolohiya ng pananamit at pantela, kasama ang malalaking pagbabago sa paggawa at pamamahagi ng damit.[1]

Mula sa kasuotan ng sinaunong mundo hanggang sa modernidad, ang paggamit ng teknolohiya ay labis na naimpluwensyahan ang pananamit at moda ng makabagong panahon. Industriyalisasyon ang nagdala ng mga pagbabago sa paggawa ng kalakal. Sa maraming bansa, ang mga kalakal na gawang-bahay na yinari ng mano-mano ay pinalitan ng mga kalakal na gawa sa mga pabrika na nasa mga assembly line (nakahanay na paggawa ng mga produkto sa pagawaan) at nakahanda ng bilhin sa pamamagitan ng kultura ng pagkonsumo. Kabilang sa mga makabagong ideya ang gawang-taong materyales tulad ng polyester, nylon, at vinyl pati na rin ang mga siper at velcro. Ang simula ng makabagong electronika ang nagbunga sa teknolohiyang maisusuot na umusbong at sumikat noong 1980s.

Isang importanteng parte ng industriya sa kabila ng praktikalidad ang disenyo, at ang moda at panghalinang industriya ay umusbong kaugnay sa pagtitinda ng pananamit at tingian. Mga paksang ukol sa kapaligiran at karapatang pantao ay naging konsiderasyon din sa kasuotan at nag-udyok sa paglaganap at paggamit ng mga natural na materyales tulad ng kawayan na tinuturing na ekolohiko.

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Clothing Technology". Tutorix. 2022. Nakuha noong 9 Pebrero 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)