Kimikang makateoriya

(Idinirekta mula sa Teoretikal na kemika)

Ang kimikang makateoriya (Ingles: theoretical chemistry) ay naglalayon na makapagbigay ng mga teoriya na makapagpapaliwanag ng mga obserbasyong pangkimika. Sa kadalasan, gumagamit ito ng mga paraang pangmatematika at pangkumputasyon. Ang kimikang pangkuwantum, ang aplikasyon o paglalapat ng mekaniks na pangkabuuan sa pag-unawa ng balensiya, ay isang pangunahing sangkap ng kimikang makateoriya. Ang iba pang mga pangunahing sangkap ay ang dinamikang pangmolekula, termodinamikang pang-estadistika at mga teoriya ng mga solusyong elektrolito, mga network ng reaksiyon, polimerisasyon at katalisis.

Mga sanggunian

baguhin

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Kimika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.