Ang katalisis (sa Ingles: catalysis) ay ang pagbilis ng reaksiyong pang-kimika dulot ng partisipasyon ng karagdagdagang sangkap na kung tawagin ay katalista. Sa tulong ng katalista, ang mga reaksyon ay bumibilis at nangangailangan ng mas kaunting enerhiya ng aktibasyon (activation energy). Dahil hindi nauubos ang mga katalista sa mga katalisadong reaksyon, maikakatalisa pa ng mga ito ang reaksyon ng mga karagdagan reactant. Kalimitan ay kakaunti lamang ang kinakailangang katalista sa isang reaksyon.

Sa presensya ng katalista, mas kaunting malayang enerhiya ang kaulangan upang maabot ang estado ng transisyon, ngunit ang kabuuang malayang enerhiya mula sa mga reactant hanggang produkto ay hindi nagbabago. Ang isang katalista ay maaaring makiisa sa iba't ibang transpormasyong kemikal. Ang epekto ng isang katalista ay maaaring magbago dahil sa presensya ng ibang sangkap na kilala bilang inhibitor o lason (na nakapagpapababa ng katatalitikong aktibidad) o tagataguyod (nakapagpapataas ng aktibidad). Ang kasalungat ng katalista na nakapagpapababa ng tulin ng reaksyon ay ang inhibitor.

Bagaman ang mga katalista ay hindi nauubos ng mismong reaksyon, maaari silang mapigil, mabuwag o masira ng mga sekundaryong proseso tulad ng coking kung saan ang katalista ay nababalutan ng polimerikong bahagi ng mga produkto. Dagdag pa rito, ang mga magkakaibang katalista ay maaaring matunaw sa loob ng solusyon sa isang solido at likidong sistema o sublimate sa sistemang solido at mala-gas.

Kimika Ang lathalaing ito na tungkol sa Kimika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.