Terlizzi
Ang Terlizzi (Barese: Terrèzz) ay isang bayan at komuna ng rehiyon ng Apulia sa Katimugang Italya, sa Kalakhang Lungsod ng Bari, na matatagpuan sa kanluran ng daungan ng Bari sa Dagat Adriatico, sa gitna ng isang mayabong kapatagan. Magmula noong 2016[update] , ang populasyon nito ay may humigit-kumulang na 27,000.
Terlizzi | |
---|---|
Comune di Terlizzi | |
Terlizzi's most important church, the Concattedrale di San Michele Arcangelo. | |
Mga koordinado: 41°08′N 16°33′E / 41.133°N 16.550°E | |
Bansa | Italya |
Rehiyon | Apulia |
Kalakhang lungsod | Bari (BA) |
Mga frazione | Sovereto |
Pamahalaan | |
• Mayor | Ninni Gemmato (PdL) |
Lawak | |
• Kabuuan | 69.23 km2 (26.73 milya kuwadrado) |
Taas | 191 m (627 tal) |
Populasyon (2018-01-01)[2] | |
• Kabuuan | 27,125 |
• Kapal | 390/km2 (1,000/milya kuwadrado) |
Demonym | Terlizzesi |
Sona ng oras | UTC+1 (CET) |
• Tag-init (DST) | UTC+2 (CEST) |
Kodigong Postal | 70038 |
Kodigo sa pagpihit | 080 |
Santong Patron | Madonna ng Sovereto |
Saint day | Abril 23 |
Websayt | Opisyal na website |
Kasaysayan
baguhinAng Terlizzi ay unang nabanggit sa isang ika-8 siglong AD na dokumento, nang ibinigay ito ng may-aring Lombardo sa Abadia ng Montecassino. Matapos ang dominasyon ng Bisantino, mula noong ika-11 siglo, ang Trelizzi ay napasailalim ng impluwensiya ng konde ng Giovinazzo, na ang miyembro na si Amico ang nagpatibay ng muog ng parehong lungsod. Nang maglaon pinasiyahan ito ng pamilya Tuzziaco, Wrunfort, Orsini di Taranto, at Grimaldi. Ang pinakalumang mapa ng Terlizzi ay nakasabit pa rin sa Palasyo sa Monte Carlo ng pamilya Grimaldi.
Ito ay naging isang komuna pagkatapos ng Pag-iisa ng Italya noong 1861, nang mayroon itong 18,000 naninirahan.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "Superficie di Comuni Province e Regioni italiane al 9 ottobre 2011". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Popolazione Residente al 1° Gennaio 2018". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)