Pag-atake ng terorista sa Cairo, Abril 2005

Ang pag-atake noong Abril 2005 ay tatlong magkakaugnay na insidente na nangyari sa lungsod ng Cairo, Egypt noong Abril 7 at 30 Abril 2005. Ang huling dalawang insidente ay pangkahalatang itinuturing na minor dahil walang ibang nabawian ng buhay kundi ang mga salarin lamang at lumalabas na hindi naplano nang maaga; ngunit sa unang pag-atake tatlong bystander ang namatay. Walang ginamit na makabagong pamamaraan o materyal na ginamit sa mga insidente kaya madalas na iniuri ng mga awtoridad na Egyptian ang mga pag-atake bilang "primitive".

Unang insidente: Khan al Khalili

baguhin

Noong Abril 7, pinasabog ng isang suicide bomber ang kanyang bomba sa Sharia al-Moski, malapit sa Khan al Khalili bazaar – isang street market na popular sa mga turista at taga-roon – at sa al Hussein Mosque. Tatlong turistang banyaga (dalawa mula sa France at isa mula sa Estados Unidos) ang namatay, at 11 Egyptians at 7 iba pang banyaga ang nasugatan.

Pinangalanan ng pulisya ng Egypt ang salarin na si Muhammad Sobhi Ali Jidan, dating mula sa Al Qalyubiyah ngunit naninirahan na sa hilagang distritong Cairene ng Shubra.

Ikalawang insidente: Ang Tulay ng Sixth of October

baguhin
 
Ang Tulay ng Sixth of October

Ang unang atake na naganap noong Abril 30 ay nangyari banding 3:15 ng hapon (lokal na oras, 12:15 GMT) sa estasyon ng bus ng lungsod na matatagpuan sa isang concourse 300 metro ang lawak sa pagitan ng Hilton Hotel at ng Egyptian Museum malapit sa pangunahing traffic intersection ng Cairo.

Si Ehab Yoursi Yassin, isang Egyptian na hinihinalang may kinalaman sa atake ng Abril 7, ay hinahabol sa Tulay ng Sixth of October, isang flyover patuning sentro ng Cairo mula sa pulo ng Gezira sa Ilog Nile. Tumalon siya mula sa tulay pababa sa estasyon ng bus sa ibaba, na may dalang nail bomb na kanyang pinapasabog habang nahuhulog. Namatay ang bomber at pitong nagdaraan ang nasugatan: tatlong Egyptian at apat na banyagang turista (isang Israeli couple, isang Italyana, at isang Swede).

Ikatlong insidente: Ang Citadel

baguhin

Pagkaraan ng mga dalawang oras, dalawang babaeng gunman na nakabelo ang iniulat na namaril sa isang tourist bus sa distrito ng Islamic Cairo, hindi malayo sa Citadel. Pagkatapos mamaril sa coach, binaril ng isa sa mga babae ang kanyang kasama bago nito binaril ang sarili. Tatlong bystander ang inulat na nasugatan.

Ipinahayag ng mga source ng pulisya na ang mga babae ay sina Negat Yassin, kapatid na babae ni Ehab Yousri Yassin, at Iman Ibrahim Khamis, kanyang asawa (unang iniulat na kanyang fiancée). Ito ang unang atake ng terorismo sa kasaysayan ng modernong Egypt na ginawa ng mga babae; pinaniniwalaan ng pulisya na ito ay daliang desisyon na ginawa ng mga babae pagkaraang mapag-alaman ang naganap sa Tulay ng Sixth of October.

Aftermath

baguhin

Dalawang grupo ang nag-ako ng responsibilidad sa simula ng gabi (lokal na oras): ang Mukahedeen ng Egypt at ang Abdullah Azzam Brigades. Sa kanilang pahayag, sabi ng nahuling grupo na ang atake ay ganti sa clampdown ng pamahalaan sa mga disidente pagkalipas ng pagbomba sa Sinai Peninsula noong Oktubre 2004.

Sa madaling oras ng Linggo, Mayo 1, hinuli ng pwersa ng seguridad ang 225 katao para sa pagtatanong, karamihan mula sa baranggay ng tatlong namatay at sa lugar na kanilang tinirhan sa Shubra. Partikular na hinanap si Muhammad Yassin, ang binatang kapatid ni Ehab Yousri Yassin, na inipahayag ng pulisya na tanging natitirang suspect sa bazaar bomb attack at ang material witness sa shooting ng Sabado ng hapon.

Sa paglipas ng weekend, lumitaw din na ang tatlo sa mga umatake na naugnay sa pag-atake nang Sabado ay kamag-anak ni Ashraf Said, suspect sa pagbomba noong Abril 7 na dinala ng pulisya para sa pagtatanong at namatay sa police custody noong Biyernes, Abril 29.

Iniulat din na isa sa mga detainee ay namatay dulot ng pag-torture habang "tinatanong" ng mga awtoridad.

Tingnan din

baguhin
baguhin