Ehipsyong Museo

(Idinirekta mula sa Egyptian Museum)

Ang Museo ng Ehipsyong Antiguwedades, karaniwang kilala bilang Ehipsyong Museo o Museo ng Cairo, sa Cairo, Ehipto, ay tahanan sa isang malawak na koleksyon ng sinaunang Ehipsyong antiguwedades. Mayroon itong 120,000 aytem, kasama ang isang kinatawang bilang na pinapakita, at ang natira ay nasa mga silid-imbakan. Tinayo noong 1901 ng Italyanong konstruksyong kompanya na Garozzo-Zaffarani sa isang disenyo ng arkitektong Pranses na si Marcel Dourgnon, ang edipisyo ay ang isa sa mga pinakamalaking museo sa rehiyon. Noong Marso 2019, bukas sa publiko ang museo. Sa 2021, nakatakdang papalitan ang museo ng bagong Grandeng Ehipsyong Museo sa Giza.

Ehipsyong Museo
المتحف المصري (El-Matḥaf El-Masri)
المتحف المصري
Itinatag1902
LokasyonCairo, Ehipto
Mga koordinado30°02′52″N 31°14′00″E / 30.047778°N 31.233333°E / 30.047778; 31.233333
UriMuseo ng kasaysayan
Sukat ng Koleksyon120,000 aytem
DirektorSabah Abdel-Razek
Sityoantiquities.gov.eg/DefaultEn/Pages/UnderConstraction.aspx/

Kasaysayan

baguhin
 
Tanaw sa himpapawid noong 1904 mula sa isang lobo kung saan lumilitaw ang Ehipsyong Museo sa kanang banda.

Naglalaman ang Ehipsyong Museo ng Antiguwedades ng maraming mahalagang piraso ng sinaunang kasaysayang Ehipsyo. Narito ang pinakamalaking koleksyon ng antiguwadades Paraoniko sa mundo. Naitatag ng pamahalaang Ehipsyo ang pagtayo ng museo noong 1835 malapit sa Harding Ezbekieh at sa kalaunan, nailipat sa Cairo Citadel. Noong 1855, binigay ng pamahalaang Ehisyo kay Arkiduke Maximiliano ng Austria ang lahat ng artipakto; nasa Museo ng Kunsthistorisches, Vienna, ngayon.

Isang bagong museo ang naitatag sa Boulaq noong 1858 sa isang dating bodega, pagkatapos ng pagkatatag ng bagong Departamento ng Antiguwadades sa ilalim ng direksyon ni Auguste Mariette. Nakalatag ang gusali sa pampang ng Ilog Nilo, at noong 1878, labis itong nasira sa isang baha ng Ilog Nilo. Noong 1891, nailipat ang koleksyon sa isang dating palasyong makahari, sa distrito ng Giza sa Cairo.[1] Nanatili sila doon hanggang 1902, nang lumipat sila, para sa huling pagkakataon, sa kasalukuyang museo sa Liwasang Tahrir, na itinayo ng Italyanong kompanya nina Giuseppe Garozzo at Francesco Zaffrani sa isang disenyo ng Pranses na arkitektong si Marcel Dourgnon.[2]

Noong 2004, hinirang ng museo si Wafaa El Saddik bilang ang unang babaeng direktor heneral.[3] Noong Rebolusyong Ehipsyo ng 2011, dinarambong ang museo at dalawang momya ang nasira.[4][5] May ilang artipakto din na nakitang nasira.[6] May 50 bagay ang nawala.[7] Simula noon, natagpuan ang 25 bagay. Napanumbalik ang mga ito at nilagay muli sa museo upang ipakita noong Setyembre 2013 sa isang eksibisyon na pinamagatang Nasira at Pinanumbalik. Ilan sa mga pinakitang artipakto ang dalawang estatwa ni Haring Tutankhamun na gawa sa kahoy na sedar at nababalutan ng ginto, isang bantayog ni Akhenaten, mga estatuwang ushabti na pag-aari ng mga haring Nubiyano, isang momya ng isang bata at isang maliit na polikromong salamin na plorera.[8]

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Supreme Council of Antiquities - Museums". www.sca-egypt.org (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 23 Oktubre 2017. Nakuha noong 2018-02-28.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Kingsley, Patrick (2015-01-27). "Tutankhamun's famous home is undergoing a facelift (no glue involved)". the Guardian (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2018-02-28.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Düker, Ronald (11 Hulyo 2013). "Weltkultur in Gefahr". Die Zeit (sa wikang Aleman). Nakuha noong 15 Pebrero 2019.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Looters destroy mummies during Egypt protests" (sa wikang Ingles). ABC News. 2011-01-29. Nakuha noong 2011-01-29.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Vandals ravage Egyptian Museum, break mummies" (sa wikang Ingles). Al-Masry Al-Youm. Inarkibo mula sa orihinal noong 1 Pebrero 2011. Nakuha noong 30 Enero 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Statues of Tutankhamun damaged/stolen from the Egyptian Museum" (sa wikang Ingles). The Eloquent Peasant. Nakuha noong 30 Enero 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Mummies set on fire as looters raid Egyptian museum - video - Channel 4 News" (sa wikang Ingles). Channel4.com. 2013-08-28. Nakuha noong 2014-01-08.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "Egyptian Museum exhibit puts spotlight on restored artefacts" (sa wikang Ingles). Daily News Egypt. Nakuha noong 2014-01-08.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)