Terorismo

(Idinirekta mula sa Terrorist)

Ang terorismo o panliligalig ay ang paggamit ng dahas bilang anyo ng pagpilit.[1] Sa kasalukuyang, walang pinagkakasunduang iisang depinisyon ng salita.[2][3] Ang mga taong nagsasagawa ng terorismo ay tinatawag na mga terorista, mga manliligalig, o mga mapanligalig. Subalit maaaring ilarawan ang terorismo bilang isang sistematiko o masistemang paggamit ng pananakot o paninindak (malaking takot) upang makamit ang mga layunin.[4]Umusbong ang terorismo sa ika-20 na siglo at dito dumami ang mga grupong terorist. Aktibo ang mga Islamikong grupo rito at dahil dito, naging marami ang mga biktima. Hindi maganda ang naidudulot ng terorismo sa atin at ito’y kinakatakutan ng marami. Samakatwid, iilan lamang ang nakatakas na buhay at naipahayag ang mga bagay na nangyari sa kanila. Isa sa mga krimeng nagawa ng terorismo ay ang rape, child abuse, kidnapping, forced marriage, torturing methods, brutal murder, at iba pa.

Pangyayaring ukol sa Terorismo

baguhin

Noong February 22, 1969, sa Syria, naitatag Democratic Front for the Liberation of Palestine na ibig sabihin sa Arabiko ay Al-Jabha al-Dimuqratiya Li-Tahrir Filastin. Ito ay isang politikong sekular at militaryong organisasyon. Ang kanilang pag-atake ay nagsimula noong May 15, 1974 sa Ma’alot sa Israel at dahil sa atakeng ito, 25 na tauhan ay namatay na kadalasan ay mga bata pa lamang. Sa November 19, 1974 naman ay namatay ang 4 na tauhan sa Israel nang umatake ang DFLP sa pribadong bahay sa bayan ng Beit Shean. Binomba naman nila ang Jerusalem noong November 13, 1975 at 7 na tauhan ang namatay. Hindi gaanong marami ang kanilang naging biktima sapagkat kinumpirmang isang marahas na gawain at biyolente ng mga tauhan.

Ang Popular Front for the Liberation of Palestine – General Command ay isang militaryong organisasyon sa Syria.  Noong mga 1970’s at 1980’s, kasali ang grupong ito sa Palestinian insurgency in South Lebanon at naglunsad sila ng atake laban sa mga sundalong Israeli. Ang pagbomba ng Swissair Flight 330 ay nangyari noong February 21, 1970 at 47 ang namatay na tauhang Israeli. Ang Black September ay tumutukoy sa labanan sa pagitan ng Palestine Liberation Organization sa pamumuno ni Yasser Arafat at ng Jordanian Armed Force sa pamumuno ni King Hussein noong September 16 at 27, 1970. Lumipas ng ilang buwan, natuloy muli ang labanan noong July 1971. Nanalo ang Jordanian Armed Force at pinilit ang kanilang mga labanan na paalisin at lumipat sa Lebanon.

1973 (Digmaang Yom-Kippur)

baguhin

Ang Digmaang Yom-Kippur ay nagsimula noong Oktubre 6, 1973. Ito'y isang labanan sa pagitan ng Israel laban sa mga bansang Egypt at Syria. Nagsimula ang digmaang ito sa paglunsad ng bomba sa teritoryo ng Israel. Nagtulungan ang Syria at Egypt sa paglunsad ng mga opensa ngunit lumipas ang tatlong araw, muling nakabangon ang Israel at naglunsad ng opensa sa bansang Syria. Nanalo ang Israel at nadagdagan sa kanilang teritoryo ang iilang bahagi ng Syria.

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. Terrorism, merriam-webster.com
  2. Martin, Angus. The Right of Self-Defence under International Law-the Response to the Terrorist Attacks of 11 September Naka-arkibo 2009-04-29 sa Wayback Machine., Law and Bills Digest Group, Parliamentary Digest, Parlamento ng Australia, 12 Pebrero 2002
  3. Deen, Thalif. U.N. Member States Struggle to Define Terrorism Naka-arkibo 2011-06-11 sa Wayback Machine., Politics, ipsnews.net, 25 Hulyo 2005
  4. Deverell, William at Deborah Gray White. United States History and New York History: Post-Civil War to the Present (Holt McDougal:2010), pahina R130.

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Batas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.