Paghahari-harian

(Idinirekta mula sa Pagmamaton)

Ang paghahari-harian, panunupil, pagmamaton o pambubulas ay isang uri ng pang-aapi na isa ring uri ng ugaling mapanalakay, mapaghandulong, o agresyon na kinakikitaan ng paggamit ng dahas, pamimilit o pamumuwersa, o koersiyon (sapilitan) upang maapektuhan ang ibang tao, partikular na kung ang ugali ay kinagawian at kinasasangkutan ng kawalan ng katimbangan o hindi patas ang kapangyarihan. Maaari itong kasangkutan ng panliligalig na binabanggit, pagsalakay o pamimigil na pangkatawan, at maaaring nakatuon nang paulit-ulit sa isang partikular na biktima, marahil dahil sa lahi, relihiyon, kasarian, seksuwalidad, o kakayahan.[1][2] Ang kawalan ng balanse ng kapangyarihan o lakas ay maaaring isang kapangyarihan panlipunan at/o lakas na pisikal. Ang biktima ng pangmamaton ay paminsan-minsan tinutukoy bilang isang "puntirya" o ang "pinupukol".

Ang paghahari-harian ay kinabibilangan ng tatlong saligang mga uri ng pang-aabuso – emosyonal, sinasambit, at pisikal. Karaniwang itong kinasasangkutan ng mapitagang mga paraan ng pamumuwersa katulad ng pananakot o intimidasyon. Ang paghahari-harian ay maaaring bigyan ng kahulugan sa maraming iba't ibang mga kaparaanan. Ang Nagkakaisang Kaharian ay kasalukuyang walang pambatas na kahulugan ng pagmamaton,[3] samantalang ang mga estado ng Estados Unidos ay mayroon mga batas na laban dito.[4]

Sumasaklaw ang paghahari-harian mula sa payak na isang tao sa isa pang tao na paghahari-harian (nag-aastang parang hari) sa mas kumplikadong pagmamaton kung saan ang maton ay maaaring mayroong isa o maraming mga 'tenyente' na tila nagnanais na tulungan ang pangunahing maton sa kanyang mga gawain ng paghahari-harian. Ang paghahari-harian sa paaralan at sa pook ng trabaho ay tinatawag ding pang-aabuso ng kauri o pang-aabuso ng kapantay na tao.[5] Sinuri ni Robert W. Fuller ang pagmamaton sa diwa ng rankismo. Mayroon ding pagmamaton sa Internet.

Maaaring maganap ang pagmamaton sa anumang konteksto kung saan ang mga tao ay nakikipag-ugnayan o nakikipagkapwa sa bawat isa. Kabilang dito ang paaralan, simbahan, mag-anak, trabaho, tahanan, at pamayanan. Ito ay isa ring pangkaraniwang dahilan ng pagtulak na nag-uudyok ng migrasyon. Maaaring umiral ang pagmamaton sa pagitan ng mga pangkat na panlipunan, mga klaseng panlipunan, at pati na sa pagitan ng mga bansa (tingnan ang jinggoismo). Sa katunayan, sa sukatang pandaigdigan, ang nawawatasan o tunay mga kawalan ng pagkakapantay-pantay sa pagitan ng mga nasyon, kapwa sa mga sistemang pang-ekonomiya at sa mga sistemang pangtratado o pangkasunduan, ay kadalasang binabanggit bilang ilan sa pangunahing mga sanhi ng Unang Digmaang Pandaigdig at ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.[6][7]

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Cambridgeshire.gov.uk". Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-10-12. Nakuha noong 2012-04-12.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2011-10-12 sa Wayback Machine.
  2. (U.S. Dept. of Justice, Fact Sheet #FS-200127)
  3. Harassment, Discrimination and Bullying Policy Naka-arkibo 2009-05-12 sa Wayback Machine. – Pamantasan ng Manchester
  4. Hindi bababa sa 15 mga estado ang nagpasa ng mga batas na tumutuon sa pangmamaton sa mga batang nag-aaral.Paghahanap sa Google
  5. Bennett, Elizabeth Peer Abuse Know More: Bullying From a Psychological Perspective (2006)
  6. "The Balance of Power in Europe (1871–1914)". 2010. Nakuha noong 2010-10-30.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Description of how an imbalance of power in Europe precipitated WWI.
  7. "The Economic Consequences of the Peace". 2005. Nakuha noong 2010-10-30.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Naglalarawan ng maaaring hindi patas na Kasunduan ng Versailles at Ikalawang Digmaang Pandaigdig