Ang The Bad Popes (lit. na 'Ang Masasamáng Papa') ay isang aklat noong 1969 ni E. R. Chamberlin na sumubaybay sa mga búhay ng walong pinakakontrobersiyal na papa sa kasaysayan ng Simbahang Katoliko (nasa loob ng panaklong ang taon ng kapapahan).

  • Papa Esteban VI (896–897), ang nagpahukay sa bangkay, nagpalitis, nagputol ng daliri, pansamantalang nagpalibing, at nagpatapon kay Papa Formoso (ang kaniyang hinalinhan) sa Ilog Tiber.[1]
  • Papa Juan XII (955–964), ang nagbigay ng lupa sa isa niyang kerida at pumatay ng maraming tao; pinatay siya ng isang laláki, na asawa ng babaing nahúli na kasáma niya sa kama.
  • Papa Benedicto IX (1032–1044, 1045, 1047–1048), ang "nagbenta" sa kapapahan.
  • Papa Bonifacio VIII (1294–1303), ang tinuya sa Banal na Komedya ni Dante Alighieri.
  • Papa Urbano VI (1378–1389), ang dumaing na hindi raw siya nakarinig ng sapat na sigaw mula sa mga kardinal, na nagsabwatan laban sa kaniya, na kaniyang pinarusahan.[2]
  • Papa Alejandro VI (1492–1503), isang Borgia, na may salang nepotismo, nagkaroon din siya ng maraming anak at kinakasáma.[3]
  • Papa Leo X (1513–1521), isang gastador at maaksayang miyembro ng pamilyang Medici at minsang ginastos ang 1/7 ng kayamanan, ng kaniyang hinalinhan, sa isang seremonya lámang.
  • Papa Clemente VII (1523–1534), isa ring Medici, ang kaniyang pamumulitika (power-politicking) sa Pransiya, Espanya, at Alemanya ang dahilan kung bakit nadambong ang Roma.