Ang The Crying Boy ay isang pangmaramihang-gawa na imprenta ng isang pinta ng Italyanong mangguguhit na si Giovanni Bragolin.[1] Malawak na napamahagi ito mula dekada-1950 at mga sumunod na taon.

May maraming mga alternatibong bersyon, lahat mga larawan ng mga umiiyak na batang lalake o batang babae.[1] Bilang karagdagan sa pagiging kilala, may mga alamat na urbano na nag-uukol ng isang "sumpa" sa nasabing pinta.

Noong ika-5 ng Setyembre, 1985, iniulat ng Britong tabloid na pahayagan na The Sun na sinalaysay ng isang bumbero ng Essex na madalas matagpuan ang mga hindi nasirang mga kopya ng pinta sa mga guho ng mga nasunog na bahay.[1] Sinabi niya na walang ni-isang bumbero ang pumapayag na magkaroon ng isang kopya ng pinta sa kanyang bahay. Sa mga sumunod na buwan, naglathala ang The Sun at ibang mga tabloid ng ilang artikulo tungkol sa mga sunog sa bahay ng mga taong nagmamay-ari ng pinta.

Sa katapusan ng Nobyembre, naging malawak ang paniniwala sa sumpa ng pinta na nagtulak sa The Sun na magsagawa ng pangmaramihang mga pagsisiga ng mga pintang ipinadala ng mga mambabasa.[2]

Si Steve Punt, isang Britong manunulat at komedyano, ay nag-imbestiga sa sumpa ng "The Crying Boy" sa Punt PI, isang produksiyon ng BBC Radio 4. Bagaman mala-komedya ang pormat ng mga programa, sinaliksik ni Punt ang kasaysayan ng pinta.[3] Ang kongklusyong inabot ng programa, kasunod ng pagsubok sa Building Research Establishment, ay ang mga imprenta ay binalot ng barnis na may panghadlang sa apoy, at ang taling humahawak ng pinta sa pader ang unang masusunog, na nagbubunga sa paghulog ng pinta nang nakataob (mauuna ang mukha sa sahig) at sa gayon nananatiling protektado ang pinta, bagaman walang maibibigay na paliwanag kung bakit wala man lamang naligtas sa ibang mga pinta. Nabanggit din ang larawan sa isang kabanata tungkol sa mga sumpa sa seryeng pantelebisyon na Weird or What? noong 2012.[4]

Tingnan din

baguhin
  • The Hands Resist Him, na kilala rin bilang "Ang Nagmumultong Pinta ng eBay" ("The eBay Haunted Painting")

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 Polidoro, Massimo (November/December 2012), "Curse That Painting!", Skeptical Inquirer 36 (6): 17–19
  2. Steve Punt, "Solved: Curse of the Crying Boy; Comic’s Obsession with Painting", The Sun, 9 October 2010, p.8.
  3. Punt PI,  Crying Boy episode (programme broadcast Sat 9 Oct 2010, BBC Radio 4)
  4. Curses in Weird or What?[patay na link] sa SyFy