The Ruins
Tumutukoy ang The Ruins (lit. Ang mga Ruwina) sa natitirang bahagi ng mansyon ng mga ninuno ng pamilya ni Don Mariano Ledesma Lacson at Maria Braga Lacson. Matatagpuan ito sa Talisay, Negros Occidental, Pilipinas. Itinayo ang mansyon noong unang bahagi ng ika-20 siglo at kinasihan ng arkitektong Italyano.[1][2][3][4]
The Ruins | |
---|---|
Itinatag | Unang bahagi ng 1900 |
Kinaroroonan | Talisay, Negros Occidental, Pilipinas |
Uri | Private in-stu open-air Local museum |
May-ari | Mariano Ledesma Lacson Maria Braga Lacson |
Pook sa internet | theruins.com.ph |
Mga detalye ng gusali | |
Iba pang pangalan | The Ruins |
Pangkalahatang impormasyon | |
Katayuan | Nakapreserba nang sira-sira |
Uri | Bahay |
Estilong arkitektural | Arkitekturang Italyano |
Bayan o lungsod | Talisay, Negros Occidental |
Bansa | Pilipinas |
Sinimulan | Unang bahagi ng 1900 |
May-ari | Lacson-Javellana |
facebook.com/pages/The-Ruins |
Kasaysayan
baguhinAng The Ruins (Talisay) ay naging mansyon ng ninuno ng pamilya ni Don Mariano Ledesma Lacson, isang mayamang baron ng asukal. Itinayo ang tahanan sa isang 440 ektaryang tubuhan sa Lungsod ng Talisay, Negros Occidental noong unang bahagi ng 1900 sa alaala ng kanyang Portugesang asawa, Maria Braga Lacson, na namatay noong ipinanganak ang kanilang ikalabing-isang anak. Noong Ika-2 Digmaang Pandaigdig, sinunog ito ng mga Pilipinong gerilya bilang panghadlang sa paggamit nito ng mga lumulusob na puwersa ng Hapones bilang tanggapang pangmilitar. Nasunog ito nang 3 araw na sunod-sunod.[1][2][3][4]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 "The ruin of Talisay" Naka-arkibo 2021-01-16 sa Wayback Machine. [Ang ruwina ng Talisay] (sa wikang Ingles), TravelogPhilippines.com Naka-arkibo 2021-01-16 sa Wayback Machine..
- ↑ 2.0 2.1 "The Ruins - Taj Mahal of Negros" [Ang mga Ruwina - Taj Mahal ng Negros] (sa wikang Ingles), Rappler.com.
- ↑ 3.0 3.1 "Thing to know before visiting the Ruins in talisay" [Bagay na malaman bago bumisita sa the Ruins sa talisay] (sa wikang Ingles), ANotSoPopularKid.com.
- ↑ 4.0 4.1 "The Ruins in Talisay" [The Ruins sa Talisay] (sa wikang Ingles), AtlasObscura.com.