Ang The Smurfs (Pranses: Les Schtroumpfs; Olandes: De Smurfen) ay isang prangkisa ng komiks mula sa Belgium na nakasentro sa isang kathang-isip na kolonya ng maliliit, kulay bughaw na mukhang tao na nilalang na nakatira sa mga bahay na hugis-kabute sa gubat. Unang ipinakilala at nilikha ang The Smurfs bilang isang serye ng mga karakter sa komiks ni Peyo (ang sagisag-panulat ni Pierre Culliford), isang tagaguhit ng komiks na mula sa Belgium, kung saan kilala ang serye bilang Les Schtroumpfs. Mayroon higit sa 100 mga karakter na smurf, at batay ang pangalan ng kanilang mga karakter sa mga pang-uri na binibigyan-diin ang kanilang katangian, tulad ni "Jokey Smurf", na mahilig magbigay ng mga biro sa kanyang mga kasamahang smurf. Si "Smurfette" ang unang babaeng smurf na ipinakilala sa serye. Nagsusuot ang mga smurf ng sombrerong Pridyan, na kalaunan ay kinakatawan ang kalayaan sa makabagong panahon.

The Smurfs
Nilikha ni/ngPeyo
Orihinal na gawa"The Flute with Six Holes" (Pranses: "La Flûte à six trous", literal sa "Ang Plauta na may Anim na Buas") (1958) sa komiks na Johan and Peewit
Print publications
KomiksThe Smurfs
Pelikula at telebisyon
Seryeng animasyon
  • The Smurfs (1981–1989)
  • The Smurfs (3D na seryeng pantelebisyons) (2020)

Ang salitang “smurf” ay orihinal na salin sa Olandes ng Pranses na "schtroumpf", na, sang-ayon kay Peyo, ay isang salitang inimbento noong kumakain siya kasama ang kasamang kartunista na si André Franquin nang hindi nila maalala ang salita para sa asin.[1]>[2][3]

Nagsimula ang prangkisa ng The Smurfs bilang komiks at lumawak sa pagpapatalastas, pelikula, seryeng pantelebisyon, ice capade, mga larong bidyo, liwasang may tema, at manika.

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Franquin's official Web site" (sa wikang Ingles). Franquin.com. Nakuha noong 2009-05-07.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. De Coster, Marc (2007). "SMURF (BLAUW STRIPFIGUURTJE)". etymologiebank.nl (sa wikang Olandes). Meertens Institute. Nakuha noong 2018-07-29.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Peyo". lambiek.net (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2018-07-29.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)