Ang The Varsitarian ay isang pampamantasang pahayagan ng mga estudyante ng Pamantasan ng Santo Tomas (UST). Ito ang isa sa mga pinakaunang mga pahayagan sa Pilipinas. Buwanang nilalathala ito, at kilala rin bilang "Varsi". Mayroon itong isang "nakauuyam" na bersyon, ang The Vuisitarian.

Lumabas mula sa palimbagan ang unang sipi ng The Varsitarian noong Enero 16, 1928, na si Pablo Anido ang unang punong patnugot. Si Anido ang dating pangulo ng Literary Club, at nang hilingin ni Jose Villa Panganiban mula kay Rektor Reb. Pr. Serapio Tamayo, O.P. ang pagbubuo ng isang pahayagang pang-estudyante, naging The Varsitarian ang Literary Club.[1]

Mga sanggunian

baguhin