Ang Digmaang Hudyo

(Idinirekta mula sa The Wars of the Jews)

Ang Digmaang Hudyo (Griyego: Ἰουδαϊκοῦ πόλεμος, Ioudaikou polemos) at tinawag ring Digmaang Judean[1][2][3] at may buong pangalan ay Mga Aklat ni Josephus ng Kasaysayan ng Digmaang Hudyo laban sa mga Romano (Griyego: Φλαβίου Ἰωσήπου ἱστορία Ἰουδαϊκοῦ πολέμου πρὸς Ῥωμαίους βιβλία, Phlabiou Iōsēpou historia Ioudaikou polemou pros Rōmaious biblia) ay isang aklat na isinulat ng unang siglong historyang Hudyo na si Josephus. Ito ay paglalarawan ng kasaysayang Hudyo mula sa pagkakabihag ng Herusalem sa ilalim ni Antiochus IV Epiphanes noong 164 BCE hanggang sa pagbagsak ng Herusalem sa Unang Digmaang Hudyo-Romano noong 70. Ang aklat na ito ay orihinal na isinulat noong mga 75 CE sa pang-amang wika ni Josephus na malamang ay Aramaiko ngunit ang bersiyong ito ay hindi na umiiral. Ito ay kalaunang isinalin sa Griyego na malamang ay pinangasiwaan mismo ni Josephus. Ang mga sanggunian ng kaalaman ni Josephus: ang kanyang mga salaysay, Talmud na Babilonian (Gittin 57b), Midrash Eichah at mga inskripsiyong Hebreo sa mga baryang Hudyo na nilikha sa panahong ito. Ang tekstong ito ay umiiral rin sa bersiyong Lumang Simbahang Slaboniko gayundin din sa Hebreo na naglalaman ng materyal na hindi matatagpuan sa Griyego at nawawala sa ibang mga materyal na matatagpuan sa bersiyong Griyego.[4]

The Jewish War
Hebrew-Latin edition of the Jewish War (Basle, 1559)
May-akdaJosephus
Orihinal na pamagatFlavius Josephus's Books of the History of the Jewish War against the Romans
BansaRoman Empire
WikaAramaic (lost), Greek
DyanraHistory
Petsa ng paglathala
c. 75 AD
Sinundan ngAntiquities of the Jews 

Mga sanggunian

baguhin