Thomas Paine
Si Thomas Paine (29 Enero 1737 – 8 Hunyo 1809) ay isang Ingles na pampletero, rebolusyonaryo, radikal, pilosopo, imbentor, at intelektuwal. Nanirahan at naghanapbuhay siya sa Britanya hanggang sa humantong siya sa gulang na 37, nang mandayuhan siya sa mga kolonyang Amerikano ng Britanya noong panahon ng Himagsikang Amerikano. Ang pangunahin niyang ambag ay ang makapangyarihan at pampleto (maliit na aklat) na pinamagatang Common Sense (1776) o "Karaniwang Kaisipan". Itinaguyod ng maliit na aklat na ito ang ideya ng kasarinlan ng kolonyal na Amerika mula sa Kaharian ng Dakilang Britanya. Isinulat din niya ang The American Crisis (1776–1783) o "Ang Amerikanong Krisis", isang serye ng mga pampleto na makapanghihimagsik. Pagkaraan ng Rebolusyong Amerikano, isinulat ni Paine ang Age of Reason (Panahon ng Katwiran), isang pampletong nagtaguyod ng paggamit ng katwiran para sa mga pag-aangking panrelihiyon at mapagsuri ito sa relihiyon may organisasyon. Kapiling ang iba pang mga tagapagtatag ng Amerika na katulad nina Thomas Jefferson at James Madison, sinuportahan ni Paine ang katwiran hinggil sa relihiyon bilang kapalit ng pagpapahayag o rebelasyon. Naging kabahagi si Paine ng mas malaking kilusan ng Panahon ng Pagkamulat (Age of Enlightenment) na maipepetsa mula pa noong humigit-kumulang sa kaagahan ng ika-17 daantaon.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Tao, Talambuhay at Estados Unidos ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.