Tiger & Bunny
Ang Tiger & Bunny (タイガー&バニー Taigā Ando Banī) ay isang seryeng pantelebisyong anime sa Hapon noong 2011 na inilabas ng Sunrise sa ilalim ng direksiyon ni Keiichi Satou. Sinimulan ang pagpapalabas ng serye sa Hapon noong 3 Abril 2011 sa Tokyo MX na sinusundan ng pagpapalabas muli sa BS11 Digital at MBS.[1] Ipinalabas rin sa Viz Media ang serye na ipinapakita sa Hulu at Anime News Network.[2]
Tiger & Bunny Taigā Ando Banī | |
タイガー&バニー | |
---|---|
Dyanra | Piksyong siyensiya, Superhero |
Teleseryeng anime | |
Direktor | Keiichi Satou |
Prodyuser | Kenji Hamada (Bandai Visual) Masayuki Ozaki (Sunrise) Seiji Takeda (MBS) |
Iskrip | Masafumi Nishida |
Musika | Yoshihiro Ike |
Estudyo | Sunrise, Bandai Visual |
Inere sa | BS11 Digital, MBS, Tokyo MX |
Takbo | 3 Abril 2011 – 18 Setyembre 2011 |
Bilang | 25 |
Manga | |
Kuwento | SUNRISE |
Guhit | Sakakibara Mizuki |
Naglathala | Kadokawa Shoten |
Magasin | Newtype Ace |
Demograpiko | Seinen |
Inilathala noong | 2 Oktubre 2011 (ipinagpapatuloy) |
Bolyum | 0 - 4 kabanata (ipinagpapatuloy) |
Laro | |
Tiger & Bunny On Air Jack! | |
Tagapamanihala | Namco Bandai Games |
Tagalathala | Namco Bandai Games |
Genre | Nobelang biswal |
Platform | PSP |
Inilabas noong | Hulyo 2012 |
Pelikulang anime | |
Gekijō-ban Tiger & Bunny -The Beginning | |
Inilabas noong |
|
Balangkas
baguhinAng serye ay naganap sa taong "NC 1978" sa Lungsod ng Sternbils, isang piksiyonal, at isinakathang-isip na bersyon ng Lungsod ng New York, noon 45 taong na nakaraan, ang mga taong may mga superpower na binasagang "NEXT" ay nagsulputan at ang ilan sa kanila ay naging mga superhero. Ang bawat isa sa mga pinaka-sikat na superhero ay nagtatrabaho para sa isang kompanya at ang kanilang mga uniporme ay may patalastas para sa mga kompanyang umiiral sa totoong buhay. Ang kanilang kabayanihan ay umere sa isang sikat na palabas sa telebisyon na "Hero TV", kung saan sila nag-iipon ng mga puntos sa bawat kabayanihan na kanilang ginawa (halimbawa:pag-aresto ng mga kriminal at pagligtas sa mga sibilyan) at ang pinaka-mataas sa ranko na superhero ng serye ay gagantimpalahan ng titulong "King of Heroes".
Ang istorya ay nakatuon sa beteranong bayani na si Kotetsu T. Kaburagi a.k.a. Wild Tiger na siya ay itinakda ng isang bagong partner, sa baguhang hero o bayani sa ngalan ni Barnaby Brooks Jr. Hindi nagkakasundo ang dalawa at sila ay may magkakaibang pananaw sa pagiging isang superhero habang inuusisa ang misteryo ng pagpatay sa mga magulang ni Barnaby. Isa pang karagdagan isyu, ang paglabas ng isang mamamatay-tao na bigilante sa ngalang "Lunatic" na naging usapin ng publiko at pinakwestyun nito ang pananaw ng publiko sa kahulugan ng kabayanihan.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "News: Sunrise to Start Tiger & Bunny Hero TV Series in April". Anime News Network. 23 Nobyembre 2010. Nakuha noong 23 Pebrero 2011.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Viz Media Plans on Simulcasting Tiger and Bunny on Saturday, Abril 2nd". Viz Media. 24 Marso 2011. Nakuha noong 28 Marso 2011.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Mga panlabas na link
baguhin- Opisyal na website
- Opisyal na websayt ng MBS
- Tiger & Bunny (anime) sa ensiklopedya ng Anime News Network (sa wikang Ingles)