Sa mitolohiya ng Pilipinas, pinaniniwalaan ng mga Tagalog ang tigmamanukan bilang isang panandang ibon. Bagaman sinasabing mga hudyat o pananda ang mga gawi ng maraming mga ibon at butiki, partikular na binibigyang pansin ang tigmamanukan. Bago dumating ang mga Kastila, naniwala ang mga Tagalog na ipinadala ni Bathala ang tigmamanukan upang magbigay ng pahiwatig sa sangkatauhan kung ipagpapatuloy nila ang isang paglalakbay o hindi. Sa ilang mitolohiya sa paglikha sa Pilipinas, ipinadala ang ibong tigmamanukan ni Bathala upang buksan ang kawayan kung saan unang lumabas ang unang lalaki at unang babae.

Tigmamanukan
PamagatTigmamanukan
PaglalarawanIbong mitolohikal/pananda
KasarianLalaki/babae
RehiyonPilipinas

Etimolohiya

baguhin

"Manok" ang salitang-ugat ng tigmamanukan. Bagaman sa makabagong Filipino, ekslusibong ginagamit ito para sa domestikadong manok (Gallus gallus domesticus), ngunit noong bago dumating ang mga Kastila (na nadokumento ng mga naunang manggagalugad noong ika-17 dantaon), malawak na naiuugnay ang salitang tigmamanukan sa "kahit anong ibon, butiki, o ahas na sinuman ang nagkrus sa daan ay nagpapahiwatig na isang babala."[1] Tinatawag ang mga ganitong engkwentro bilang salubong. Matutunton ang salitang-ugat ng salitang "tigmamanukan" sa kognadong manuk o "manók". Malamang na nabago ang katawagan mula sa kasanayan ng panghuhula i.e. paghuhula ng palatandaan gamit ang mga sakripsyong ritwal na manok (bagaman, ginagamit minsan ang ibang hayop tulad ng baboy).

Mga pamahiin

baguhin
 
Ilang istorya ang nagsasabi na binuksan ng tigmamanukan ang kawayan sa pamamagitan ng pagtuka at lumabas ang unang lalaki at unang babae.

Sang-ayon sa Dictionary of the Tagalog Language (isa sa mga ilang pangunahing sinulat na sanggunian tungkol sa kulturang Pilipino bago dumating ang Kastila) ni San Buenaventura na nilathala noong 1613, naniwala ang mga Tagalog na ang direksyon ng paglipad ng isang tigmamanukan sa daraanan ng isang tao na nagsisimulang maglakbay ay nagpapahiwatig ang resulta ng gawain. Kung lumipad ito sa kanan, magiging matagumpay ang ekspedisyon. Tinatawag na "labay" ang senyas na ito, na makikita pa rin ang katawagan sa mga wika sa Pilipinas na may kahulugang "magpatuloy." Kung lumipad ang ibon sa kaliwa, tiyak na hindi makakabalik ang manlalakbay.[2]

Sinasabi din na kung mahuhuli ng isang mangangaso ang isang tigmamanukan sa isang patibong, puputulin nila ang tuka nito at pakakawalan, at pagkatapos sasabihin, "Kita ay iwawala, kun akoy mey kakawnan, lalabay ka." ("Malaya ka na, kaya, kapag ako'y aalis na, aawit ka sa kanan.")[3]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Blair, Emma (1906). The Philippine Islands, 1493-1898 Vol. 40 (sa wikang Ingles). Arthur H. Clark Company. p. 70.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "The Tigmamanukan" (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2019-10-19. Nakuha noong 2021-04-14.{{cite web}}: CS1 maint: bot: original URL status unknown (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. San Buenaventura, Pedro de (1613). "Vocabulario de lengua Tagala" (sa wikang Kastila). Pila. {{cite journal}}: Cite journal requires |journal= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)