Tigranes ang Dakila

Si Tigranes ang Dakila o Tigranes na Dakila, na tinatawag ding Dikran, Dickran, Tigran, o Tigranes II at kung minsan bilang Tigranes I din ay ang tagapagtatag ng Imperyong Armenyo. Naghari siya sa Armenya (rehiyong sumasakop sa kasalukuyang Armenyong Sobyetong Sosyalistang Republika at bahagi ng karatig na Turkiya) noong 95 BK.[1]

Pamumuno

baguhin

Napunta sa trono si Tigranes noong may 45 taong gulang na siya. Sa panahong ito, una muna siyang bihag ng isang hari ng Parthia subalit nabili niya ang kanyang kalayaan sa pamamagitan ng paghahandog ng bahagi ng Armenya sa haring nagbilanggo sa kanya. Nang makalaya, agad na pinalawak ni Tigranes ang kanyang kaharian. Bilang panimula, nilusob niya ang Parthia, kung saan siya naging bihag ng hari nito. Paglipas ng mga taon, nakuha rin niya ang Sirya, hilagang Mesopotamya (kabahagi ngayon ng Irak), at Penisya (Phoenicia o Fenicia) na kabahagi ngayon ng Libano, at Israel.[1]

Dahil sa paglawak ng kanyang imperyo, naging kaalitan niya ang Roma. Noong 66 BK, nagapi siya ng Romanong heneral ng hukbong panlupa na si Gnaeus Pompeius. Napasuko siya at naging isang taong alipin o basalyo. Pagkaraan nito, naglaho na ang kaniyang Imperyong Armenyo.[1]

 
Tigranes the Great's Empire

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 Firth, Lesley (Patnugot Panlahat) atbp. (1985). "Tigranes the Great, Who Founded the Armenian Empire?". Who Were They? The Simon & Schuster Color Illustrated Question & Answer Book. Little Simon Book, Simon & Schuster, Inc., Lungsod ng Bagong York, ISBN 0671604767.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 18.


  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.