Taghiyawat

(Idinirekta mula sa Tigyawat)

Ang taghiyawat[1] (Ingles: pimple, acne), na nakikilala rin bilang akne, ay isang uri ng pamamaga ng balat na sanhi ng impeksiyon sa glandulang malangis.[2]. Karaniwan itong parang mga pulang butlig o maiitim na mga tuldok sa mukha.[3]

Taghiyawat
Klasipikasyon at panlabas na mga pinanggalingan
ICD-10R23.8
ICD-9709.8

Proseso ng paglitaw ng taghiyawat

baguhin

Ang mga taghiyawat ay lumilitaw kapag tinubuan ng mikrobyong tinatawag na Propionibacterium acnes (P. acne) ang balat ng tao na pawisin, madumi, may labis na paggawa ng langis, at may pagbabara ng mga maliliit na mga butas ng balat, na kaakibat ng mga tumutubong buhok na manipis at maliliit. Nagmumula ang langis ng balat mula sa malapit na lugar na kinalalagyan ng dulo ng buhok (polikula ng buhok) sa loob ng balat.[3]

Mga uri ng taghiyawat

baguhin

Kabilang sa mga uri ng taghiyawat ang mga puting ulo (mga closed comedone, mga white head), mga itim na ulo o pekas (mga open comedone, mga black head), ang mga pustula (mga pustule, mga taghiyawat na mapula at nagnanana).[3]

Panahon ng taghiyawat

baguhin

Kabilang sa mga normal na panahon sa buhay ng tao ang pagkakaroon ng taghiyawat, partikular na ang panahon ng pagdadalaga ng isang babae at ang panahon ng pagbibinata ng isang lalaki. Mayroon namang mga tao na nagsasabing ang pagkakaroon ng taghiyawatay dahil sa pagkain ng mga pagkaing mamantika o ng maraming mga tsokolate.[3]

Mga maling gawain kapag may taghiyawat

baguhin

Ang taghiyawat ay hindi minumungkahing tirisin sapagkat nakapagdurulot lamang ito ng peklat at impeksiyon. Mas mainam ang paggamit ng mga produktong pampaganda, katulad ng pulbos, na may halong tubig (water-based) at hindi nakapagdurulot ng taghiyawat (nakikila bilang mga non-acnegenic at non-comedogenic). Mas mainam din ang pagbibilad sa araw dahil nakakairita sa balat ang labis na pagkabantad sa sikat ng araw, na magiging sanhi ng pagdami ng taghiyawat. Walang kinalaman ang paninigarilyo sa pagkakaroon ng taghiyawat, subalit ang paninigarilyo ay nakapagsasanhi ng panunuyo ng balat sa mukha.[3]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Almario, Virgilio, pat. (2010). "taghiyawat, pimple". UP Diksyonaryong Filipino (ika-2 (na) edisyon). UP-Sentro ng Wikang Filipino-Diliman – sa pamamagitan ni/ng Diksiyonaryo.ph.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Nordqvist, Christian. Medical News Today. 25 Feb 2009. [1]. (sa Ingles)
  3. 3.0 3.1 3.2 3.3 3.4 TIGYAWAT O PIMPLES (ACNE) ([2], [3], [4])