Panaderya

uri ng negosyo ng nagbebenta ng pagkaing batay sa harina
(Idinirekta mula sa Tinapayan)

Ang panaderya o tinapayan ay establisimyento na gumagawa at nagbebenta ng mga pagkaing batay sa harina na hinurno sa pugon kagaya ng tinapay, biskwit, keyk, donat, pastelerya, at pie.[1] Kinakategorya rin ang ibang panaderyang tingian bilang mga kapihan, na naghahain ng kape at tsaa sa mga mamimiling gustong kumain ng mga bineyk o hinurno na kalakal sa lugar. Ginagawa rin ang mga kinendi sa karamihan ng mga panaderya sa buong mundo.

Panaderya sa Bruselas (Belhika)

Mga espesyalidad

baguhin

May ilang mga panaderya ang nagbibigay ng mga serbisyo para sa mga natatanging okasyon (tulad ng kasalan, anibersaryo, piging ng kaarawan, kaganapang pagne-network sa negosyo, atbp.) o pasadyang hinurnong produkto para sa mga taong may alerhiya o sensitibo sa ilang pagkain (tulad ng nuwes, mani, produktong gawa sa gatas, o gluten, atbp.). Maaring magbigay din ang mga tinapayan ng iba't ibag uri ng disenyo ng keyk tulad ng patong-patong na keyk, keyk sa kasalan, atbp. May mga espesyalisasyon din ang ibang tinapayan sa mga tradisyunal o gawang-kamay na mga produktong hinurno na gawa sa lokal na minolinong arina, na walang pampaputi o ibang kimikal, na ang paghuhurno na ito ay tinatawag minsan na tinapay na artesano.[1]

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 Yogambal Ashokkumar (2009), Theory of Bakery and Confectionary [Teoriya ng Panaderya at Kendihan] (sa wikang Ingles), ISBN 978-81-203-3954-5{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)