Tungkol ito sa inumin, para sa pantina tingnan ang Tintura (pangulay).

Ang tintura ay isang paraan ng pagluluto o paghahanda ng inumin, partikular na ang mula sa yerba. Nagagawa ito sa pamamagitan ng paglulublob o pagbababad ng tinuyo o sariwang yerba sa 25% pinaghalong naiinom na alkohol at tubig.[1][2][3] Bagaman kalimitang may alkohol ang tintura, nakagagawa rin ng halos walang halong alkohol upang mainom ng mga nagdadalangtao, mga bata, mga taong may pamamaga ng atay o gastrikong bahagi ng katawan, at ng mga nagpapagaling mula sa alkoholismo.[1]

Isang bote ng tintura.

Mga sangkap

baguhin

Karaniwang sangkap sa paggawa ng tintura ang 200 mga gramong tinuyong yerba o 600 mga gramo ng sariwang yerba, at 1 litrong 25% ng naiinom na alkohol at tubig.[1]

Hinggil sa yerba, ginagamiti ang kahit na anong bahagi ng halaman.[1]

Ukol sa alkohol na naiinom, ginagamit ang vodka o rum. Sa mga pabrika, ginagamit ang alkohol na etil. Hinding-hindi ginagamit ang mga nakalalasong mga alkohol na pang-industriya, katulad ng alkohol na metil at panghimas na alkohol (isopropyl alcohol).[1]

Sa paghahanda ng 1 litrong 25% ng naiinom na alkohol, gumagamit ng 75 cl (mula sa bote) ng 37.5% vodka na hinaluan ng 37.5 ml na tubig.[1]

Kahalagahan ng alkohol

baguhin

Nagsisilbing pangtinggal o preserbatibo ang naiinom na alkohol. Dahil dito, tumatagal ng hanggang dalawang mga taon ang tintura. Mainam ang paggamit ng vodka sapagkat mayroon itong mangilan-ngilang mga aditibo o karagdagang sangkap. Samantala, nakapagtatago ang rum ng mga hindi kaaya-ayang lasa ng yerba.[1]

Mga kagamitan

baguhin

Naghahanda ang isang magluluto ng tintura ng malaking garapong may naiikot o "natuturnilyong" takip, bag na para sa gulaman o halya (halea), pampiga ng alak, malaking pitsel, boteng may madilim na salamin na may turnilyo o pang-ikot, mga takip na mahihigpitan upang hindi mapasukan ng hangin, at ang opsyonal o maaaring hindi gamiting embudo.[1]

Paraan ng paghahanda

baguhin

Gumagawa ng tintura mula sa bawat isa o indibiduwal lamang na mga yerba. Subalit, mapaghahalo ang iba't ibang inihandang tintura pagkaluto, kung kailangan.[1]

Inilalagay ang yerba sa isang malaking garapon. Binubuhusan ito pinaghalong vodka at tubig hanggang sa malubog. Tinatakpan ang garapon at itinatabi sa isang hindi naiinitang lugar sa loob ng dalawang mga linggo. Habang nakaimbak, paminsan-minsang itong inaalog.[1]

Pagkaraan ng dalawang mga linggo, binubuksan ang garapon. Naglalagay ng katsa sa bibig ng isang pampiga ng alak. Ibinubuhos dito ang likidong. Pinipiga ang pampiga ng alak upang masala at malipat ang laman patungo sa isang pitsel.[1]

Pagkatapos, ibinubuhos ang nasalang likido papunta sa isang malinis at may madilim na salaming mga bote. Gumagamit ng embudo sa pagsasalin kung kailangan.[1]

Pag-inom

baguhin

Tinturang may alkohol

baguhin

Karaniwang dosahe sa pag-inom ang 5 ml ng tintura, tatlong ulit sa loob ng isang araw. Karaniwang hinahaluan o pinalalabnaw muna ito ng tubig bago inumin. Kalimitan din itong dinaragdagan ng katas ng prutas o kaya ng pulot-pukyutan upang painamin ang lasa.[1]

Tinturang di-alkoholiko

baguhin

Kung kailangan ang hindi alkoholikong tintura o halos walang alkohol na tintura, karaniwang nagdaragdag muna ng kaunting halos kumukulong tubig sa dosahe ng tinturang nasa tasa. Nasa 25 hanggang 50 ml ang sukat ng idinadagdag ng halos kumukulong tubig. Pinalalamig muna ng husto ang tintura upang sumingaw at matanggal ang karamihan sa nilalamang alkohol bago inumin.[1]

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.00 1.01 1.02 1.03 1.04 1.05 1.06 1.07 1.08 1.09 1.10 1.11 1.12 1.13 Robinson, Victor, pat. (1939). "Tincture (may naiinom na alkohol), Non-alcoholic tinctures (walang alkohol)". The Modern Home Physician, A New Encyclopedia of Medical Knowledge. WM. H. Wise & Company (New York).{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 121 at 125.
  2. Gaboy, Luciano L. Tincture, tintura - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  3. Blake, Matthew (2008). "Tincture, pangulay, panina". Tagalog English Dictionary-English Tagalog Dictionary. Bansa.org.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), makikita sa tincture Naka-arkibo 2016-03-06 sa Wayback Machine..