Guro

(Idinirekta mula sa Titser)

Ang isang guro (mula sa Sanskrito: गुरु [guru]) o titser ay isang tao na nagbibigay ng edukasyon para sa mga mag-aaral. Ang gampanin ng guro ay kadalasang pormal at umiiral, na isinasagawa sa isang paaralan o ibang lugar ng edukasyong pormal. Sa maraming mga bansa, ang isang tao na nais maging isang guro ay dapat na makakamit muna ng tinukoy na mga kuwalipikasyong pamprupesyon o mga kredensiyal magmula sa isang pamantasan o dalubhasaan. Ang mga kuwalipikasyong pamprupesyon ay maaaring magbilang ng pag-aaral ng pedagohiya, ang agham ng pagtuturo. Ang mga guro, katulad ng iba pang mga prupesyunal, ay maaaring magpatuloy ng kanilang edukasyon pagkaraan makamit nila ang kuwalipikasyon, isang prosesong nakikilala bilang nagpapatuloy na kaunlarang pamprupesyon. Ang mga guro ay maaaring gumamit ng isang planong panleksiyon (planong pang-aralin) upang makapagbigay ng pagkatuto ng mga estudyante, na nakapagbibigay ng isang kurso ng pag-aaral na tinatawag na kurikulum.

Isang guro sa silid-aralan sa isang paaralang sekundarya sa Pendembu, Sierra Leone.

Ang gampanin ng isang guro ay maaaring magkaiba-iba sa mga kultura. Ang mga guro ay maaaring magturo ng edukasyong pangliterasya at numerasya, kasanayan o kagalingan sa isang larangan o pagsasanay na bukasyunal, sining, relihiyon, sibika, mga gampaning pampamayanan, o kasanayang pampamumuhay. Ang isang guro na nagbibigay ng edukasyon para sa isang indibiduwal ay maaari ring ilarawan bilang isang personal o pansariling tutor (tagapagturo) o isang gobernesa o tagaiwi (hindi katumbas ng yaya).

Sa ilang mga bansa, ang pormal na edukasyon ay maaaring maganap sa pamamagitan ng pag-aaral sa tahanan. Ang pagkatutong impormal ay maaaring tulungan ng isang guro na mayroong isang gampaning pansamantala o umiiral, katulad ng isang kasapi ng mag-anak, o sa pamamagitan ng isang tao na may kaalaman o mayroong mga kasanayan sa loob ng mas malawak na tagpuang pampamayanan.

Ang mga gurong pampananampalataya o espirituwal, katulad ng mga guru, mga mullah, mga rabbi, mga pastor (pati na mga pastor na pangkabataan) at mga lama, ay maaaring magturo ng mga tekstong panrelihiyon na katulad ng Kuran, Tora o Bibliya.

Tingnan din

baguhin

   Ang lathalaing ito na tungkol sa Tao at Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.