Tom Grace (nobelista)
(Idinirekta mula sa Tom Grace (manunulat))
Si Tom Grace ay isang mabentang may-akda ng mga nobelang kinabibidahan ng tauhang si Nolan Kilkenny, isang dating SEAL ng Hukbong Dagat ng Estados Unidos. Bukod sa pagiging manunulat ng nobela, isa ring arkitekto si Grace na nagtutuon ng pansin sa agham at teknolohiya. Nagtapos si Grace sa Pamantasan ng Michigan. Mahilig siya sa pagsisid na de-eskuba, sa sining ng pakikipaglaban, sa pagmamaraton, at pagbasa ng mga aklat. Naninirahan siya sa Michigan, kasama ang kanyang asawa at limang mga anak.[1]
Tom Grace (nobelista) | |
---|---|
Trabaho | nobelista |
Mga nobela
baguhinKabilang sa mga inakdaang nobela ni Grace ang mga sumusunod:
- Spyder Web
- Quantum
- Twisted Web
- Bird of Prey
- The Secret Cardinal
Mga sanggunian
baguhinMga kawing na panlabas
baguhin- Kilkenny's Pub Naka-arkibo 2010-11-29 sa Wayback Machine., Tomgrace.net
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.