The Secret Cardinal

Ang The Secret Cardinal (o "Ang Lihim na Kardinal" sa pagsasalin) ay isang nobelang isinulat noong 2007 ng Amerikanong manunulat mula sa Michigan na si Tom Grace. Bilang isang nobelang nakasasadya at nakapagdurulot ng pananabik sa susunod na mangyayari para sa mga mambabasa, nagbibigay ang The Secret Cardinal ng malapitang pagtanaw sa panloob na mga gawain ng Batikano ukol sa paghahalal ng isang Santo Papa. Nagpakita rin si Tom Grace sa nobelang ito ng pinakabagong mga kasangkapang militar na may hardwer at sopwer na may mataas na antas ng teknolohiya.[1]

The Secret Cardinal
May-akdaTom Grace
BansaEstados Unidos
WikaIngles
DyanraKathang-isip
TagapaglathalaVanguard Press, Avon
Petsa ng paglathala
2007
Mga pahina352
ISBN978-1593154561

Paglalarawan

baguhin

Pangunahing tauhan sa nobelang ito si Nolan Kilkenny, isang dating SEAL ng Hukbong Dagat ng Estados Unidos,[2] at naninirahan sa Ann Arbor, Michigan.[1] Sa kahilingan ng kanyang ama,[1] nagpunta si Kilkenny sa Roma, Italya upang maghanapbuhay bilang isang tagapagpayo sa aklatan ng Batikano na nakikipag-ugnayan sa Kardinal ng Aklatan na si Malachy Donaher, isang matalik na kaibigan ng ama ni Kilkenny. Ninong din ni Nolan Kilkenny si Kardinal Donaher[1] Subalit nabunyag na kailangan pala talaga si Kilkenny para sa isang misyong kinasasangkutan ng pagpunta sa Tsina na kasama ang ilang mga dalubhasa ng CIA. Hiniling sa kanya ng Santo Papa na palihim na sagipin ang isang tumatanda nang obispong Intsik at Hesuwita ng Shanghai[1] na nabilanggo dahil sa pagiging isang Katoliko Romano sa loob ng hindi bababa sa tatlumpung mga taon. Ang obispong ililigtas ay si Daoming Yin (o Yin Daoming sa gawi ng pagsulat sa Intsik, ang apelyido ay Yin), ang pinuno ng mga inuusig na mga Katolikong Intsik na tumangging iwaksi ang kanilang paniniwala sa kabila ng pagpapahirap, pagpapakulong, at pagpaslang na isinasagawa ng pamahalaang Komunista. Naging mas mabigat ang misyong ito nang biglaang mamatay si Papa Leo, ang Santo Papang nag-atas kay Kilkenny na iligtas ang obispong Asyano, dahil maaaring hindi suportahan ng kapalit na Santo Papa ang planong ito. Dalawang linggo lamang ang naging panahong natitira para sa pangkat ni Kilkenny na mailigtas si Obispo Yin,[2] na sa katotohanan ay isa nang lihim na Kardinal at "nasa puso" o "nasa (loob ng) dibdib" (in pectore) ng yumaong Santo Papa.[1]

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 1.5 Volkennant, Donna. The Secret Cardinal, Review, Bookreporter.com
  2. 2.0 2.1 Gillies, Amanda C.M. Grace, Tom - 'The Secret Cardinal' , Eskosya, Disyembre 2009

Mga kawing panlabas

baguhin