Tonikaku Kawaii
Ang Tonikaku Kawaii,[a] ay isang serye ng manga mula sa bansang Hapon na isinulat at inilarawan ni Kenjiro Hata. Baha-bahagi itong inilalathala sa magasing Weekly Shōnen Sunday ng Shogakukan noon pang Pebrero 2018. Umiikot ang kuwento kay Nasa Yuzaki, isang henyong binata at ang namumuong pag-ibig sa pagitan niya at sa kanyang bagong asawa na si Tsukasa, ang nagligtas sa kanya noong naaksidente siya sa simula ng kuwento.
Tonikaku Kawaii Tonikaku Kawaii | |
トニカクカワイイ Ang Kyut Niya Talaga | |
---|---|
Dyanra | Romansa, komedya |
Manga | |
Kuwento | Kenjiro Hata |
Naglathala | Shogakukan |
Imprenta | Shōnen Sunday Comics |
Magasin | Weekly Shōnen Sunday |
Demograpiko | Shounen |
Takbo | 14 Pebrero 2018 – kasalukuyan |
Bolyum | 24 |
Teleseryeng anime | |
Direktor | Hiroshi Ikehata |
Iskrip | Kazuho Hyodo |
Musika | Endou |
Estudyo | Seven Arcs |
Lisensiya | Crunchyroll |
Inere sa | Tokyo MX, ytv, BS-NTV |
Takbo | 3 Oktubre 2020 – 24 Hunyo 2023 |
Bilang | 24 + 2 OVA |
Nagkaroon ito ng isang anime noong Oktubre 2020. Ginawa ito ng istudyong Seven Arcs.
Lisensiyado para ilabas ang naturang manga ang Viz Media sa Hilagang Amerika.
Kuwento
baguhinNabangga si Nasa Yuzaki, isang binata na may kakaibang pangalan,[i] ng isang dakbatlag sa araw ng kanyang entrance exam sa binabalakan niyang pasukan na haiskul. Nakatagpo niya ang isang magandang babae, na nagligtas sa kanya sa tiyak na kapamahakan. Umamin agad si Nasa sa nararamdaman niya para sa babaeng ito. Pumayag ang babae, si Tsukasa Tsukuyomi, na maging katipan niya, sa kondisyong dapat magpakasal silang dalawa muna. Nahimatay agad si Nasa pagkatapos, at mula noon, hinanap niya ito. Nagpasiya siyang hindi tumuloy sa haiskul, at namasukan ng pansamantala. Pagsapit ng ika-18 kaarawan niya, bigla na lang nagpakita si Tsukasa sa harapan ng pinto ng bahay niya, bitbit ang isang form para sa kasal. Kahit na tutol ang ampong kapatid na babae ni Tsukasa sa relasyon ng dalawa, ipinakilala pa rin ni Tsukasa si Nasa sa angkan niya.
Habang umuusad ang kuwento, lalong naging mas malapit ang relasyon ng dalawa sa isa't isa. Naghahawak-kamay sila, nagyayakapan, at naghahalikan pagsapit ng ika-14 na kabanata.
Mga Tauhan
baguhin- Nasa Yuzaki (由崎 星空 Yuzaki Nasa)
- Boses ni: Junya Enoki,[1]Umeka Shōji (bata)[ii] (Hapones), Zach Aguilar[2] (Ingles)
- Ang bidang lalaki ng kuwento. Ang pangalan niya ay galing sa ahensiyang pangkalawakan ng Estados Unidos[i] na naging dahilan upang siya ay pagtawanan ng iba at dahil dito, nag-sikap siya sa pag-aaral nang sa gayon maalala siya ng iba bilang siya at hindi dahil sa pangalan niya lamang. Isang gabi matapos ang kanyang entrance exam sa papasukan niyang haiskul, nakita at nakilala niya ang isang babae, ngunit nabangga siya ng dakbatlag bago niya makausap ito. Sa tulong ng adrenaline, nakatayo at nagawa pa niyang makausap ang babaeng si Tsukasa. Inamin niya ang nadarama niya para kay Tsukasa bago mahimatay. Tatlong taong makalipas, kinasal sila ni Tsukasa sa bisa ng pagrehistro nila ng papeles ng kasal.
- Tsukasa Tsukuyomi (月読 司 Tsukuyomi Tsukasa), kalaunan Tsukasa Yuzaki (由崎 司 Yuzaki Tsukasa)
- Boses ni: Akari Kitō[1] (Hapones), Lauren Landa[2] (Ingles)
- Ang bidang babae ng kuwento. Matapos niyang iligtas si Nasa noong gabing iyon, pumayag siyang maging katipan ni Nasa pagkatapos niyang aminin ang kanyang pag-ibig para sa kanya, sa kondisyong pakakasalan siya dapat muna. Matapos ng tatlong taong pagkakawala, nagpakita muli siya kay Nasa na may bitbit na papeles para sa kasal. Partikular niyang pinuna ang bago niyang pangalan sa pagrehistro ng kasal nila. Napakamisteryoso ang pagkatao at buhay niya bago ang kasal nila ni Nasa, at madalas siyang inihahalintulad sa kuwento ni Prinsesa Kaguya.
- Kaname Arisugawa (有栖川 要 Arisugawa Kaname)
- Boses ni: Yū Serizawa[3]
- Kouhai ni Nasa at pangunahing tagapangalaga ng pampublikong paliguan ng Arisagawa. Siya ang pinakatumatangkilik sa pag-ibig ng dalawa. Umabot nga sa puntong tinuturuan niya ang dalawa kung paano nila mapapaabante ang relasyon nila.
- Aya Arisugawa (有栖川 綾 Arisugawa Aya)
- Boses ni: Sumire Uesaka[3]
- Ang kaklaseng bobo ni Nasa. Halatang may gusto siya kay Nasa. Gayunpaman, nauunawaan niya ang buong katayuan, at tinatangkilik niya ang dalawa.
- Chitose Kaginoji (鍵ノ寺 千歳 Kaginoji Chitose)
- Boses ni: Konomi Kohara[3]
- Kamag-anak ni Tsukasa. Itinuturing isang kapatid siya ni Tsukasa. Naiingit siya sa kasal ng dalawa, at inutusan niya ang mga kasambahay niya na guluhin ang relasyon ng dalawa. Bago niya nalaman ang kasal, mabait ang pakikitungo niya kay Nasa. Hindi malinaw ang tunay na relasyon niya kay Tsukasa, ngunit may pareho silang tita sa tuhod, si Tokiko.
Midya
baguhinManga
baguhinParehong isinulat at iginuhit ni Kenjiro Hata ang Ang Kyut Niya Talaga. Sinimulang baha-bahaging ilabas ang dugtungan sa ika-12 labas ng magasing Weekly Shōnen Sunday ng Shogakukan noong 14 Pebrero 2018.[4] Ginawan ng Shogakukan ito ng mga tankōbon, kung saan nilabas nila ang una sa mga ito noong 18 Mayo 2018.[1] Noong inilabas ang ikalawang tomo nito noong 17 Agosto 2018, naglabas ng isang teaser para sa dugtungan.[5] Pagsapit ng Oktubre 2020, nagkaroon na ito ng 13 tankōbon.[3]
Noong Pebrero 2020, inanunsyo ng Viz Media na nalisensiyahan na sila para sa Ingles na salin ng dugtungan.[6]
Anime
baguhinInanunsyo noong 4 Marso 2020 na gagawan ito ng isang anime ng istudyong Seven Arcs.[7][8] Pinangasiwaan ito ni Hiroshi Ikehata at si Kazuho Hondo naman ang gumawa ng iskrip. Si Masakatsu Sasaki ang gumuhit sa mga tauhan, at si Endō naman ang gumawa ng tugtugin. Inilabas ito sa Tokyo MX, ytv, at Nippon TV noong 3 Oktubre 2020.[1][8][9][iii] Inawit ni Akari Kitō ang pambungad na tema nito, ang Koi no Uta (feat. Tsukasa Yuzaki),[b] samantalang inawit naman ni KanoeRana ang pangwakas na tema nito, ang Tsuki to Hoshizora.[c][10] May 12 episode ito.[11] Ini-stream ito ng Crunchyroll sa piling mga pook sa ilalim ng kanilang tatak na Crunchyroll Originals.[12] Samantala, lisensyado naman ang Media Plus Networks Asia para ilabas ito sa Timog-silangang Asya sa kanilang tsanel na Aniplus Asia.[13] Noong 11 Nobyembre 2020, inanunsyo ng Crunchyroll na makakatanggap ito ng isang dub sa Ingles, na unang ipinalabas noong ika-20 ng Nobyembre.[2]
Mga episode
baguhin}}
Pamagat [14] | Direktor | Sumulat | Unang inere [15][d] | |
---|---|---|---|---|
1 | "Kasal" Kekkon (Hapones: 結婚) | Akira Mano | Kazuho Hyōdō | 3 Oktubre 2020 |
2 | "Unang Gabi" Shoya (Hapones: 初夜) | Toshikatsu Tokoro | Kazuho Hyōdō | 10 Oktubre 2020 |
3 | "Magkapatid na babae" Shimai (Hapones: 姉妹) | Yasuhiko Seyama | Kazuho Hyōdō | 17 Oktubre 2020 |
4 | "Pangako" Yakusoku (Hapones: 約束) | Shunji Yoshida | Yū Satō | 24 Oktubre 2020 |
5 | "Singsing" Yubiwa (Hapones: 指輪) | Yūsuke Onoda | Gō Zappa | 31 Oktubre 2020 |
6 | "Balita" Hōkoku (Hapones: 報告) | Shigeru Fukase | Kazuho Hyōdō | 7 Nobyembre 2020 |
7 | "Paglalakbay" Ryokō (Hapones: 旅行) | Daiei Andō | Yū Satō | 14 Nobyembre 2020 |
8 | "Magulang" Oyako (Hapones: 親子) | Akira Mano | Yū Satō | 21 Nobyembre 2020 |
9 | "Pangkaraniwang Araw" Nichijō (Hapones: 日常) | Toshikatsu Tokoro | Kazuho Hyōdō | 28 Nobyembre 2020 |
10 | "Pauwi" Ieji (Hapones: 家路) | Akira Katō | Kazuho Hyōdō | 5 Disyembre 2020 |
11 | "Magkaibigan" Yūjin (Hapones: 友人) | Shunji Yoshida | Yū Satō | 12 Disyembre 2020 |
12 | "Mag-asawa" Fūfu (Hapones: 夫婦) | Shigeru Fukase | Kazuho Hyōdō | 19 Disyembre 2020 |
12.5 | "Balik-Tanaw" Kaisō (Hapones: 回想) | N/A | N/A | 19 Disyembre 2020 |
OVA | "Text-Text" SNS | Masatoyo Takada | Kazuho Hyōdō | 18 Agosto 2021 |
OVA–2 | "Kasuotan" Seifuku (Hapones: 制服) | Hiroshi Ikehata | Kazuho Hyōdō | 22 Nobyembre 2022 |
Pagtanggap
baguhinMay mahigit 250,000 sipi ng dugtungan ang nasa sirkulasyon noong Oktubre 2018. Umakyat ito sa 400,000 sipi noong Pebrero 2019, at umabot sa lagpas 1 milyon noong Oktubre 2019.
Isa sa mga nanalo noong 2019 ang mangang ito sa kategoryang naka-limbag sa ika-5 parangal ng Tsuki ni Kuru Manga.[e]
Talababa
baguhinPaglilinaw
- ↑ 1.0 1.1 Ang mga karakter sa pangalang Nasa (星空) ay literal na "mabituing langit" o "langit na puno ng bituin." (hoshizora). Isa rin itong reference sa ahensiyang pangkalawakan ng Amerika na may kaparehong akronim.
- ↑ Ayon sa kredits ng unang episode.
- ↑ Orihinal na inilista ng Tokyo MX ang oras ng pagpapalabas nito na 25:05 ng gabi ng ika-2 ng Oktubre, na katumbas ng 1:05 ng madaling araw kinabukasan, ika-3 ng Oktubre.
Pagsasalin
- ↑ トニカクカワイイ, Filipino: Ang Kyut Niya Talaga o Paráting Kyut, kilala rin sa Ingles bilang Fly Me to the Moon (Filipino: Ilipad Mo Ko sa Buwan) at TONIKAWA: Over the Moon For You (Filipino: TONIKAWA: Lagpas sa Buwan Para Sa'yo), kilala rin sa pinaiksing tawag nitong ToniKawa.
- ↑ 恋のうた(feat. 由崎司), Filipino: Awit ng Pag-ibig (tampok si Tsukasa Yuzaki)
- ↑ 月と星空, Fillipino: Buwan at Mabituing Langit
- ↑ Maling banggit (Hindi tamang
<ref>
tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalangBatay sa pagpapalabas sa Tokyo MX
); $2 - ↑ 次に来るマンガ, Filipino: Ang Susunod na Manga
Mga sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 1.2 1.3 Loo, Egan (12 Mayo 2020). "Hayate the Combat Butler Creator's Fly Me to the Moon Comedy TV Anime Unveils Cast, Staff in Promo Video" [Ibinunyag na ang mga cast, staff sa bidyong pampromo ng komedyang TV anime na Fly Me to the Moon ng gumawa sa Hayate the Combat Butler]. Anime News Network (sa wikang Ingles). Nakuha noong 19 Nobyembre 2020.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2.0 2.1 2.2 Cardine, Kyle (11 Nobyembre 2020). "Crunchyroll Announces JUJUTSU KAISEN, Noblesse, and More Fall 2020 Season Dubs!" [Inanunsyo ng Crunchyroll ang mga dub ng JUJUTSU KAISEN, Noblesse, at marami pang mga [anime ng] panahon ng Taglagas 2020!]. Crunchyroll. Nakuha noong 19 Nobyembre 2020.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 3.0 3.1 3.2 3.3 Hodgkins, Crystalyn (6 Setyembre 2020). "TONIKAWA: Over The Moon For You TV Anime Reveals More Cast, Song Artists" [Nilabas na ng TV anime na TONIKAWA:Over The Moon For You ang dagdag na cast, mga kumanta]. Anime News Network (sa wikang Ingles). Nakuha noong 6 Nobyembre 2020.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Hata Kenjirō no shin rensai "tonikaku kawaii" sandē de kaimaku, kumeta kōji mo ran'nyū" 畑健二郎の新連載「トニカクカワイイ」サンデーで開幕、久米田康治も乱入 [Ang bagong serye ni Kenjiro Hata na "Tonikaku Kawaii" ay ilalabas na sa Linggo, gayundin si Koji Kumeta]. Natalie (sa wikang Hapones). 14 Pebrero 2018. Nakuha noong 19 Nobyembre 2020.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Chapman, Paul (17 Agosto 2018). "Tonikaku Cawaii Celebrates Manga Volume Two with Teaser Video" [Ipinagdiwang ng Tonikaku Cawaii ang ikalawang tomo ng Manga sa pamamagitan ng isang teaser na bidyo]. Crunchyroll (sa wikang Ingles). Nakuha noong 19 Nobyembre 2020.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Sherman, Jennifer (14 Pebrero 2020). "Viz Licenses Remina, Moriarty the Patriot, Fly Me to the Moon, More Manga" [Nalisensiyahan na ang Viz sa mga mangang Remina, Moriarty the Patriot, Fly Me to the Moon, atbp.]. Anime News Network (sa wikang Ingles). Nakuha noong 19 Nobyembre 2020.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Loo, Egan (4 Marso 2020). "Hayate the Combat Butler Creator's Fly Me to the Moon Comedy Manga Gets TV Anime in October" [Magkakaroon ng TV anime sa Oktubre ang mangang komedyang Fly Me to the Moon [na] ginawa ng gumawa ng Hayate the Combat Butler]. Anime News Network (sa wikang Ingles). Nakuha noong 19 Nobyembre 2020.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 8.0 8.1 Loo, Egan (1 Agosto 2020). "TONIKAWA: Over The Moon For You TV Anime Reveals October 2 Premiere, New Visual" [Ibinunyag na ang Oktubre 2 na premiere, bagong silip sa TV anime na TONIKAWA: Over The Moon For You]. Anime News Network (sa wikang Ingles). Nakuha noong 19 Nobyembre 2020.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ ""Tonikaku Kawaii" taiankichinichi ni u~edingu sugata no kībijuaru kōkai, hōsō jōhō mo" 「トニカクカワイイ」大安吉日にウェディング姿のキービジュアル公開、放送情報も [Pangunahing pasilip sa pankasal na kasuotan sa araw ng unang ipapalabas, impormasyon sa pagsasaere]. Natalie (sa wikang Hapones). 1 Agosto 2020. Nakuha noong 19 Nobyembre 2020.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Harding, Daryl (7 Setyembre 2020). "TONIKAWA: Over the Moon For You TV Anime Unveils OP/ED Performers, Supporting Voice Cast" [Ibinunyag na ang mga kakanta ng OP/ED. karagdagang cast ng TV anime na TONIKAWA: Over the Moon For You]. Crunchyroll (sa wikang Ingles). Nakuha noong 19 Nobyembre 2020.
During the panel at Virtual Crunchyroll Expo, the opening and ending theme song singers and musicians for Crunchyroll Original TONIKAWA: Over the Moon For You, were announced alongside the supporting cast, and their character art. (Noong oras ng panel sa birtwal na Crunchyroll Expo, ang mga umawit ng pambungad at pangwakas na tema ay inanunsyo kasabay ng karagdagang cast, pati na rin ang sining-karakter.)
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Shubham (2 Oktubre 2020). "TONIKAWA Release Schedule, Fly Me To The Moon Anime Episode 1-12 Release Date And Timing" [Iskedyul ng Pagpapalabas ng TONIKAWA, Petsa at oras ng pagpapalabas ng anime na Fly Me To The Moon]. Anime News And Facts (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Nobiyembre 27, 2020. Nakuha noong 19 Nobyembre 2020.
{{cite web}}
: Check date values in:|archive-date=
(tulong) - ↑ Luster, Joseph (5 Hulyo 2020). "EX-ARM, TONIKAWA, and So I'm a Spider, So What? Are on the Way as Crunchyroll Originals" [Mapupunta sa [tatak na] Crunchyroll Originals ang [mga anime na] EX-ARM, TONIKAWA, at So I'm a Spider, So What?]. Crunchyroll (sa wikang Ingles). Nakuha noong 19 Nobyembre 2020.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Pineda, Rafael Antonio (2 Oktubre 2020). "Aniplus Airs TONIKAWA: Over The Moon For You Anime" [Ieere ng Aniplus ang anime na TONIKAWA: Over The Moon For You]. Anime News Network (sa wikang Ingles). Nakuha noong 19 Nobyembre 2020.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Story" [Kuwento]. tonikawa.com (sa wikang Hapones). Nakuha noong 23 Disyembre 2020.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ トニカクカワイイ. Tokyo MX (sa wikang Hapones). Nakuha noong 23 Disyembre 2020.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Mga karagdagan
baguhin- Morrissy, Kim (27 Oktubre 2020). "Interview: TONIKAWA: Over The Moon For You Creator Kenjirō Hata" [Panayam sa gumawa ng TONIKAWA: Over The Moon For You, Kenjirō Hata]. Anime News Network (sa wikang Ingles).
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Panlabas na kawing
baguhin- Opisyal na websayt ng manga sa Web Sunday (sa Hapones)
- Opisyal na websayt ng anime (sa Hapones)
- Tonikaku Kawaii (manga) sa ensiklopedya ng Anime News Network (sa wikang Ingles) Walang kategorya ang artikulong ito.Makakatulong sa pagpapaunlad ng artikulong ito sa paglalagay ng isa o higit pang kategorya upang maisama ito sa mga kaugnay na artikulo (paano?). Alisin po lang ang tag pagkaraan ng pagsasauri, hindi bago nito.(Oktubre 2024)