Toreng Petronas
Ang Toreng Petronas o Kambal na Toreng Petronas, na nasa lungsod ng Kuala Lumpur, Malaysia, ay mula 1998 hanggang 2006 naging ang pinakamataas na gusaling tukudlangit (skyscraper) sa buong mundo kung susukatin ang haba nito mula sa pasukan nito hanggang sa pinakatuktok nito.
Toreng Petronas | |
---|---|
Rekord na kataas | |
Pinakamataas sa mundo mula noong 1998 hanggang 2004[I] | |
Pinangunahan ng | Willis Tower |
Nahigitan ng | Taipei 101 |
Pangkalahatang impormasyon | |
Uri | pangkalakalan (commercial) at atraksiyong pangturismo |
Kinaroroonan | Jalan Ampang Kuala Lumpur, Malaysia |
Mga koordinado | 3°09′29″N 101°42′43″E / 3.158°N 101.712°E |
Groundbreaking | 1 Enero 1992 |
Sinimulan | 1 Marso 1993 |
Natapos | 1 Abril 1994 |
Pagpapasinaya | 1 Agosto 1999 |
Inayos | 1 Enero 1997 |
Halaga | $1.6 billion |
May-ari | KLCC Holdings Sdn Bhd |
Taas | |
Arkitektural | 451.9 m (1,483 tal)[1] |
Bubungan | 378.6 m (1,242 tal) |
Pinakaitaas na palapag | 375 m (1,230 tal)[1] |
Teknikal na mga detalye | |
Bilang ng palapag | 88 (+5 basement floors)[1] |
Lawak ng palapad | 395,000 m2 (4,252,000 pi kuw) |
Lifts/elevators | 78 |
Disenyo at konstruksiyon | |
Arkitekto | César Pelli[1] |
Nagpaunlad | KLCC Holdings Sdn Bhd[1] |
Inhinyero ng kayarian | Thornton Tomasetti[1] |
Pangunahing kontratista | Tower 1: Hazama Corporation Tower 2: Samsung Engineering & Construction and Kukdong Engineering & Construction City Center: B.L. Harbert International |
Mga sanggunian | |
[1][2][3][4][5] |
Ang Toreng Petronas ay ang pinakamataas na kambal na tore sa daigdig, at sinasabi nila na sila ang pinakamataas na gusali ng ika-20 dantaon.
Kasaysayan
baguhinAng mga toreng ito, na dinesenyo ni Arkitekto César Pelli, ay natapos noong 1998 at naging pinakamataas na gusalli sa daigdig sa araw ng kanyang pagkakabuo. ang 88 palapag na tore ay binuo karamihan ng mga konkreto, na may bakal at salamin facade na dinesenyo para humalo ang istilo na makikita sa sining ng Islam, na nagpapakita sa relihiyon ng Malaysia. Ito ay itinayo sa karerahan ng Kuala Lumpur. Dahil sa lalim ng bedrock, ang gusali ay itinayo sa pinakamalalim na pundasyon sa buong mundo. ang 120 metrong pundasyon ay ginawa ni Bachy Soletanche, at kinailangan ng maraming konkreto.
Mga Umuukupa sa Tore ng Petronas
baguhinAng Unang Tore ay okupado halos lahat ng Kompanya ng Petronas at ilan sa kanyang mga subsidiaries at mga kompanyang associates. Ang mga espasyong pang-opisina sa Pangalawang Tore ay halos libre para ukupahan ng ibang mga kompanya. Marami-rami ding mga kompanya ang may opisina sa Pangalawang Tore, kasama na ang Accenture, Al Jazeera sa Ingles, Bloomberg, Boeing, IBM, Khazanah Nasional Berhad, McKinsey & Co, Microsoft, Newfield Exploration,Exact Software at Reuters.
Iba pang mga pasilidad
baguhinLiwasang KLCC Sa labas ng gusali ay may liwasan na may daanan para mag-lakad at mag-jogging, fountain na may mga ilaw, wading pools, at palaruan para sa mga bata.
Ang Suria KLCC ay isa sa pinakamalaking mall sa Malaysia. Ito ay inuukupahan ng mga kilalang mga boutique na nagmula pa sa iba't ibang bansa. Ang mga halimbawa nito ay ang Dolce and Gabbana, Seven Jeans, Cacharel, Chloé and Roberto Cavalli.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 1.5 1.6 "Petronas Towers - The Skyscraper Center". Council on Tall Buildings and Urban Habitat. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-05-24. Nakuha noong 2013-10-16.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Padron:Emporis complex
- ↑ Padron:Glasssteelandstone
- ↑ Padron:Skyscraperpage
- ↑ Toreng Petronas mula sa talaang-pahibalo ng Structurae
Ang lathalaing ito na tungkol sa Agham ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.