Matador

(Idinirekta mula sa Torero)

Ang matador (literal na "mamamatay" [ng toro]) o torero (literal na "manonoro") ay ang taong lumalaban at pumapatay sa toro. Siya ang pangunahing tagaganap sa tinatawag na huwego de toro (laro ng toro, pakikipaglaro sa toro) o korida de toro, ang pakikipaglaban ng matador sa isang toro, isinasagawa sa Espanya, Mehiko, Pransiya at sari-saring mga bansang naimpluwensiyahan ng kulturang Kastila.[1] Siya, lalaki man o babae, ang taong gumaganap at pumapatay sa toro. Tinatawag din siyang toreador sa Ingles, bagaman hindi ginagamit ang katawagang ganito sa Espanya o Amerika Latina. Kasama sa salitang torero ang lahat ng mga nakikipaglaban sa toro sa loob ng arena, tulad ng mga pikador (picador sa Kastila) at mga rehonyador (rejoneador sa Kastila).

Isang matador na sasalubong sa isang toro.

Mga sanggunian

baguhin

  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.