Tradisyong pasalita

anyo ng komunikasyon ng tao kung saan ang kaalaman, sining, mga ideya, at materyal na pangkalinangan ay natatanggap, napepreserba, at naihahatid ng pasalita mula sa isang henerasyon hanggang sa isa pa
(Idinirekta mula sa Tradisyong pabigkas)

Ang tradisyong pasalita[1] ay isang paraan ng paglilipat o paghahatid ng kasaysayan, panitikan, o batas magmula sa isang salinlahi papunta sa kasunod na salinlahi sa loob ng isang kabihasnan na walang ginagamit na sistema ng pagsusulat, bagkus ay sa pamamagitan lamang ng pagbigkas, pagsambit, pagsasabi sa pamamagitan ng bukambibig, o pabigkas na pagkukuwento, paglalahad, o pagsasalaysay at pag-uusap. Isang halimbawa ng pinagsamang katangian ng pasabi o pabanggit na panitikan at sinasabing kasaysayan, bago pa man ito naisulat, ay ang panulaang Homeriko ng Iliada at ng Odisea.

Ang kaugaliang sali't saling sabi ay isang materyal at mga kaugalian o tradisyon na pangkalinangan na inililipat sa pamamagitan ng pagsasalita lamang magmula sa isang salinlahi papunta sa isa pa.[2][3] Ang mga mensahe o testimonya (patotoo o salaysay) ay inililipat na pasabi sa pamamagitan ng talumpati o awit at maaaring magkaroon ng anyo, bilang halimbawa ng mga kuwentong-bayan, mga kasabihan, mga balada, mga awitin, o mga kanta. Sa ganitong paraan, maaaring magawa ng isang lipunan na mailipat ang kasaysayang sali't saling sabi, panitikang sali't saling sabi, batas na sali't saling sabi at iba pang mga kaalaman patawid na papunta sa mga salinlahi na walang sistema ng pagsusulat.

Ang isang mas makitid na kahulugan ng kaugaliang sali't saling sabi ay paminsan-minsang naaakma.[2] Maaari ring bigyan ng diin ng mga sosyologo ang isang pangangailangan na ang materyal ay karaniwang pinanghahawakan ng isang pangkat ng mga tao, sa loob ng ilang mga salinlahi, at maaaring ipagkaiba ang kaugaliang pasabi mula sa isang testimonya o kasaysayang pasabi.[4] Sa pangkalahatang diwa, ang "tradisyong pasabi" ay tumutukoy sa transmisyon ng materyal na pangkultura sa pamamagitan ng pagbigkas o pabadya, at matagal nang pinanghahawakan bilang isang susing panglarawan ng kuwentong-bayan (isang pamantayan na hindi na mahigipit na pinanghahawakan ng mga polklorista).[5] Bilang isang disiplinang pang-akademya, tumutukoy ito sa isang pangkat ng mga bagay at isang pamamaraan kung saan pinag-aaralan ang mga ito[6]—ang pamamaraan ay maaaring tawagin sa pamamagitan ng sari-saring "teoriya ng kaugaliang sali't saling sabi", "ang teoriya ng Kumposisyong Oral-Pormulaiko" at ang "teoriyang Parry-Lord" (mula sa dalawang tagapagtatag nito). Ang pag-aaral ng kaugaliang pabigkas ay kaiba mula sa disiplinang akademiko ng kasaysayang pabadya (kasaysayang pabigkas),[7] na isang pagtatala ng mga alaalang personal (pansarili) at mga kasaysayan ng mga nakaranas ng kapanahunan o kaganapang pangkasaysayan.[8] Naiiba rin ito magmula sa pag-aaral ng oralidad, na maaaring bigyan ng kahulugan bilang kaisipan at pagpapadama nitong pabigkas sa loob ng mga lipunan kung saan ang mga teknolohiya ng literasya (natatangi na ang pagsusulat at paglilimbag) ay hindi pangkaraniwan sa karamihan ng populasyon.[9]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Kintanar, Thelma B.; Aquino, Clemen C. (2006). KUWENTONG BAYAN: NOONG PANAHON NG HAPON Everyday Life in a Time of War (sa wikang Tagalog at Ingles). Pilipinas: UP Press. p. 393. ISBN 9715424988. Ayon kina Manuel (1976, 1995) at Foronda (1991), maging ang tradisyong pasalita (oral tradition) at pagkukuwento (storytelling) na napakayaman sa ating kultura bilang paraan ng pagpapahayag ay hindi pa tahasang nasusuri...{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 Vansina, Jan: Oral Tradition as History, 1985, James Currey Publishers, ISBN 0-85255-007-3, 9780852550076; sa pahina 27 at 28, kung saan binigyang kahulugan ni Vasina ang oral tradition bilang mga mensaheng sa salitang sinasabi lamang o hindi nasusulat na mga iniulat na mga pahayag mula sa nakaraan na lampas sa pangkasalukuyang salinlahi na tinitiyak na ang mensahe ay dapat na mga pasalitang mga pagpapahayag lamang na sinasabi, inaawit o tinatawag habang tumutugtog ng mga instrumentong pangmusika; dapat na mayroong paglilipat o transmisyon ng salita mula sa bibig sa loob ng kahit na isang salinlahi. Binibigyang diin ni Vansina na ang ating kahulugan ay isang panggawaing kahulugan na magagamit ng mga manunulat ng kasaysayan. Ang mga sosyologo, mga lingguwista o mga dalubhasa sa mga sining na ukol sa salita ay nagmumungkahi ng sarili nilang mga kahulugan, kung saan sa sosyolohiya, ay nagbibigay ng diin sa karaniwang kaalaman. Sa lingguwistika, ito ay mga tampok na nagpapakaiba ng wika mula sa karaniwang diyalogo (mga lingguwista), at sa mga tampok sa sining na ukol sa salita ng anyo at nilalaman na nagbibigay ng kahulugan sa sining (mga polklorista)."
  3. Ki-Zerbo, Joseph: "Methodology and African Prehistory", 1990, UNESCO International Scientific Committee for the Drafting of a General History of Africa; James Currey Publishers, ISBN 0-85255-091-X, 9780852550915; tingnan ang Kabanata 7; "Oral tradition and its methodology" sa mga pahinang 54-61; na nasa pahina 54: Ang kaugaliang sali't saling sabi ay maaaring bigyan ng kahulugan bilang isang testimonyang nailipat na pasabi mula sa isang salinlahi papunta sa isa pa. Ang natatanging mga katangian nito ay ang ito ay sinasabi at ang paraan ng paglilipat nito. (Sa orihinal na Ingles: "Oral tradition may be defined as being a testimony transmitted verbally from one generation to another. Its special characteristics are that it is verbal and the manner in which it is transmitted.")
  4. Henige, David. "Oral, but Oral What? The Nomenclatures of Orality and Their Implications" Oral Tradition, 3/1-2 (1988): 229-38. p 232; Henige cites Jan Vansina (1985). Oral tradition as history. Madison, Wisconsin: University of Wisconsin Press
  5. Degh, Linda. American Folklore and the Mass Media. Bloomington: IUP, 1994, p. 31
  6. Dundes, Alan, "Editor's Introduction" to The Theory of Oral Composition, John Miles Foley. Bloomington, IUP, 1988, pp. ix-xii
  7. Henige, David. "Oral, but Oral What? The Nomenclatures of Orality and Their Implications" Oral Tradition, 3/1-2 (1988): 229-38. p 232; Henige cites Jan Vansina (1985). Oral tradition as history. Madison, Wisconsin: University of Wisconsin Press
  8. "Oral History". Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-08-20. Nakuha noong 2012-01-21.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Ong, Walter, S.J., Orality and Literacy: The Technologizing of the Word. London: Methuen, 1982 p 12