Transpormasyong Lorentz

Sa pisika, ang transpormasyong Lorentz o transpormasyong Lorentz-Fitzgerald ay naglalarawan kung paano ayon sa teoriya ng espesyal na relatibidad na ang iba't ibang mga sukat ng espasyo at panahon ng dalawang mga tagapagmasid ay maaaring ikonberte sa mga sukat ng alinman sa balangkas ng reperensiya. Ito ay ipinangalan sa pisikong Dutch na si Hendrik Lorentz. Ito ay rumiriplekta sa katotohanan ang mga tagapagmasid na gumagalaw sa iba't ibang mga belosidad ay maaaring sumukat ng iba't ibang mga distansiya, lumipas na mga panahon at kahit iba't ibang pagsasaayos ng mga pangyayari. Ang transpormasyong Lorentz ay orihinal na resulta ng mga pagtatangka ni Lorentz at iba pa na ipaliwanag kung paanong ang bilis ng liwanag ay napagmasdang hindi nakasalalay sa balangkas na reperensiya at upang maunawaan ang mga simetriya ng mga batas ng elektromagnetismo. Kalaunan ay muling hinango ni Albert Einstein ang transpormasyong ito mula sa kanyang mga postulad ng espesyal na relatibidad. Ang transpormasyong Lorentz ay pumalit sa transpormasyong Galilean ng pisikang Newtonian na nagpapalagay ng absolutong espasyo at panahon. Ayon sa espesyal na relatibidad, ang transpormasyong Galilean ay isa lamang mabuting aproksimasyon sa mga relatibong bilis na mas maliit sa bilis ng liwanag. Ang transpormasyong Lorentz ay isang transpormasyong linyar. Ito ay maaaring kabilangan ng isang rotasyon ng espasyo; isang malaya sa rotasyong transpormasyong Lorentz na tinatawag na Lorentz boost. Dahil sa ang relatibidad ay nagpopostula na ang bilis ng liwanag ay pareho sa lahat ng mga tagapagmasid, ang transpormasyong Lorentz ay dapat mag-ingat ng interbal ng espasyo-panahon sa pagitan ng anumang mga pangyayaring nasa espasyong Minkowski. Ang transpormasyong Lorentz ay naglalarawan lamang ng mga transpormasyon kung saan ang pangyayaring espasyo-panahon sa orihin ay nakatakda sa kaliwa upang ang mga ito ay maituring na isang rotasyong hiperboliko ng espasyong Minkowski. Ang mas pangkalahatang hanay ng mga transpormasyon na kinabibilangan rin ng mga pagsasalin ay kilala bilang grupong Poincaré.

Ang mga transpormasyong Lorentz sa konong liwanag na diagramang espasyo-panahon para isang pang-espasyong dimensiyon. Kung mas malaki transformations on the Minkowski light cone spacetime diagram, for one spatial dimension. Sa mas malaking relatibong bilis sa pagitan ng mga balangkas inersiyal, ang mga aksis ay nagiging mas baluktot(warped). Ang pulang mga linyang diagonal ay mga linyang daigdig para sa liwanag-ang relatibong belosidad ay hindi maaaring humnigit sa c. Ang hiperbolae ay nagpapakitang ito ay isang rotasyong hiperboliko, ang anggulong hiperbolikong ϕ ay tinatawag na rapiditad.

Mga sanggunian

baguhin