Trentino-Alto Adigio
Ang Trentino-Alto Adigio o Trentino-Alto Adige/Südtirol[5] (EU /trɛnˌtiːnoʊ ˌɑːltoʊ ˈɑːdiːdʒeɪ/,[6] NK /ʔdɪdʒʔ,_ʔ ˌæltoʊ ˈædɪdʒeɪ/;[7][8] Italyano: Trentino-Alto Adige [trenˈtiːno ˈalto ˈaːdidʒe]; Aleman: Trentino-Südtirol;[9] Ladin: Trentin-Südtirol)[10] ay isang nagsasariling rehiyon ng Italya, na matatagpuan sa hilagang bahagi ng bansa. Ang rehiyon ay may populasyon na 1.1 milyon, kung saan 62% ang nagsasalita ng Italyano bilang kanilang sariling wika, 30% ang nagsasalita ng Surtiroles na Aleman at ilang wikang banyaga ay sinasalita ng mga komunidad ng imigrante.[11] Mula noong dekada '70, karamihan sa mga lehislatibo at administratibong kapangyarihan ay inilipat sa dalawang lalawigang nagsasariling pamumuno na bumubuo sa rehiyon: ang Lalawigan ng Trento, karaniwang kilala bilang Trentino, at ang Lalawigan ng Bolzano, karaniwang kilala rin bilang Timog Tirol (Alto Adige sa Italyano).
Trentino-Alto Adigio | |||
---|---|---|---|
| |||
Bansa | Italya | ||
Kabesera | Trento | ||
Pamahalaan | |||
• Pangulo | Maurizio Fugatti (Lega) | ||
Lawak | |||
• Kabuuan | 13,606.87 km2 (5,253.64 milya kuwadrado) | ||
Populasyon (2019-01-01) | |||
• Kabuuan | 1,072,276 | ||
• Kapal | 79/km2 (200/milya kuwadrado) | ||
• Official languages[1] | Italyano Aleman (Timog Tirol) | ||
• Other languages | in some municipalities: Ladin Mocheno Cimbrian | ||
Demonym | Ingles: Trentino-Alto Adigan or Trentino-South Tyrolean Italyano: Trentino (man) Italyano: Trentina (woman) or Italyano: Altoatesino (man) Italyano: Altoatesina (woman) or Italyano: Sudtirolese Aleman: Südtiroler (man) Aleman: Südtirolerin (woman) | ||
Citizenship | |||
• Italian | 93% | ||
Sona ng oras | UTC+1 (CET) | ||
• Tag-init (DST) | UTC+2 (CEST) | ||
ISO 3166 code | IT-32 | ||
GDP (nominal) | €41.7 billion (2017)[3] | ||
GDP per capita | €39,200 (2017)[4] | ||
NUTS Region | ITD | ||
Websayt | www.regione.taa.it |
Mula sa ika-9 na siglo hanggang 1801, ang rehiyon ay bahagi ng Banal na Imperyong Romano. Matapos maging bahagi ng panandaliang Republikang Napoleoniko ng Italya at Napoleonikong Kaharian ng Italya, ang rehiyon ay bahagi ng Imperyong Austriaco at ang kahalili nitong Austria-Unggarya mula 1815 hanggang 1919 na paglipat nito sa Italy sa Tratado ng Saint-Germain-en-Laye sa pagtatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig. Kasama ang Austriakong estado ng Tirol, ito ay bahagi ng Eurorehiyon Tirol-Tirol del Sur-Trentino.
Sa Ingles, ang rehiyon ay kilala bilang Trentino-South Tyrol[12] o sa Italyano nitong pangalan na Trentino-Alto Adige.[13]
Demograpiko
baguhinTaon | Pop. | ±% |
---|---|---|
1921 | 661,000 | — |
1931 | 666,000 | +0.8% |
1936 | 669,000 | +0.5% |
1951 | 729,000 | +9.0% |
1961 | 786,000 | +7.8% |
1971 | 842,000 | +7.1% |
1981 | 873,000 | +3.7% |
1991 | 890,000 | +1.9% |
2001 | 940,000 | +5.6% |
2011 | 1,037,000 | +10.3% |
2019 | 1,072,276 | +3.4% |
Ang rehiyon ay may populasyon na humigit-kumulang 1,072,276 katao (541,098 sa Trentino at 531,178 sa Timog Tidol). Ang densidad ng populasyon sa rehiyon ay mababa kung ihahambing sa Italya sa kabuuan. Noong 2008, ito ay katumbas 77.62 mga naninirahan bawat kilometro kuwadrado (201.0/mi kuw), samantalang ang katamtaman na bilang para sa Italya 201.50 bawat kilometro kuwadrado (521.9/mi kuw). Ang densidad ng populasyon sa Trentino 86.56 mga naninirahan bawat kilometro kuwadrado (224.2/mi kuw), bahagyang mas mataas kaysa sa nakarehistro sa Timog Tirol na katumbas 70.14 bawat kilometro kuwadrado (181.7/mi kuw). Magmula noong 2011[update], ang Pambansang Suriang Estadistika ng Italya (ISTAT) ay tinantiya na 90,321 dayuhan ang naninirahan sa rehiyon sa kabuuan, katumbas ng 8.55% ng kabuuang populasyon ng rehiyon.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Sonderstatut für Trentino-Südtirol, Article 99, Title IX. Region Trentino-Südtirol.
- ↑ "Statistiche demografiche ISTAT". Inarkibo mula sa orihinal noong 3 Marso 2016. Nakuha noong 2 Oktubre 2009.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Eurostat – Tables, Graphs and Maps Interface (TGM) table". Epp.eurostat.ec.europa.eu. 12 Agosto 2011. Nakuha noong 2 Setyembre 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Regional GDP per capita ranged from 31% to 626% of the EU average in 2017" (Nilabas sa mamamahayag). European Commission. Nakuha noong 2 Setyembre 2019.
{{cite nilabas sa mamamhayag}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Constitution of Italy, Part II: Organisation of the Republic (Art. 116)
- ↑ "Trentino-Alto Adige". Merriam-Webster Dictionary (sa wikang Ingles).
- ↑ "Trentino-Alto Adige". Collins English Dictionary. HarperCollins. Nakuha noong 6 Mayo 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Trentino-Alto Adige". Oxford Dictionaries UK English Dictionary. Oxford University Press.[patay na link]
- ↑ "Trentino-Alto Adige/Südtirol Region" (PDF). Official website of the Trentino-Alto Adige/Südtirol Region. 2009. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 26 Nobiyembre 2018. Nakuha noong 20 February 2009.
{{cite web}}
: Check date values in:|archive-date=
(tulong) - ↑ Vibrations, Zeppelin Group – Good. "L'Istitut per la pension d'enjonta – Pensplan". Nakuha noong 8 Abril 2017.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Popolazione residente al 1° gennaio". Istituto Nazionale di Statistica. Nakuha noong 22 Hunyo 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Province of Bolzano/Bozen". Official website of the Autonomous Province of Bolzano/Bozen. 2009. Inarkibo mula sa orihinal noong 20 Disyembre 2002. Nakuha noong 20 Pebrero 2009.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Special Statute of the Trentino-Alto Adige/Südtirol Region" (PDF). Official website of the Autonomous Province of Bolzano/Bozen. 2009. Nakuha noong 20 Pebrero 2009.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Mga panlabas na link
baguhin- Mga midyang may kaugynayan sa Trentino-Alto Adigio sa Wikimedia Commons
- Geographic data related to Trentino-Alto Adigio at OpenStreetMap
- Official site of Trentino-Alto Adige/Südtirol (sa Aleman and Italyano)