Ang triskelion (mula sa Griyego τρισκελης) ay isang bagay na mayroong tatlong paa at ito rin ang tawag sa isang simbolong Siciliano (nakalarawan sa kanan).

Kasaysayan at alamat

baguhin

Sa isang panahon sa dakong ikawalong siglo BC, isang Griyegong expeditionary party ay naghahanap ng bagong teritoryo sa Mediterranean nang sila ay makatagpo ng isang malaki at dati'y di kilalang pulo. Sila ay naaakit sa masaganang likas na yaman na ipinapakita ng pulo. Sa pag-iikot sa pulo, nalaman ng mga Griyego na ito ay may tatlong point, kung saan ito ay kilala na bilang Cape Pachinu sa timog, Cape Peloru sa silangan, at Cape Lilibeu sa kanluran. Lumabas ang triskelion pagkatapos manirahan ang mga Griyego sa pulo na tinawag nilang Trinacria, mula sa salitang Griyego: trinacrios, na nangangahulugang tatsulok. Ang triskelion ay inadopt ng mga Griyego bilang simbolo ng Trinacria at mula noon ay nanatiling simbolo ng Sicily.

Sa ngayon, ang Triskelion ay madami na ang kahulugan, Madami na rin itong gamit sa mga simbolo at logo. Gamit din ito sa logo at opisyal na selyo ng Tau Gamma Phi Fraternity o Triskelion Grand fraternity.

baguhin

  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.