Ang trutsa, truta, trauta, trawta, trawt, o traut (Ingles: trout, Spanish: trucha) ay ang pangalan para sa isang bilang ng mga espesye ng mga isdang pangtubig-tabang na nasa henera o saring Oncorhynchus, Salmo at Salvelinus, lahat ng subpamilyang Salmoninae ng pamilyang Salmonidae. Ang salitang trutsa, at iba pang mga anyo nito, ay ginagamit din bilang bahagi ng pangalan ng ilang isdang hindi salmonid na katulad ng Cynoscion nebulosus, ang batik-batik na trutsang-dagat (Ingles: spotted seatrout o speckled trout).

Ang trutsang kayumanggi, Salmo trutta m. fario.

Ang trutsa ay malapit na may kaugnayan sa salmon at tsar (tsaro, charr o char sa Ingles): ang espesye na kinatagaan bilang salmon at tsar ay nagaganap sa magkatulad na sari, gayon din ang trutsa (Oncorhynchus - salmon ng Pasipiko at trutsa, Salmo - salmon ng Atlantiko at sari-saring mga trutsa, Salvelinus - tsar at trutsa).

Karamihan sa mga trutsang katulad ng trutsang panglawa ay naninirahan sa mga lawang tubig-tabang at/o mga ilog lamang, habang mayroong ibang katulad ng trutsang bahaghari na naglalagi ng dalawa o tatlong mga taon sa dagat bago magbalik sa tubig-tabang upang magbinhi o mangitlog, isang nakagawian na mas pangkaraniwan sa salmon.

Ang trutsa ay isang mahalagang napagkukunan ng pagkain para sa mga tao at mga hayop na nasa kalikasan, kabilang na ang mga osong kayumanggi, mga ibong maninilang tulad ng mga agila, at iba pang mga hayop. Inuuri ang mga trutsa bilang mga isdang malangis.[1]

Mga espesye

baguhin

Ang pangalang trutsa ay karaniwang ginagamit para sa ilang mga espesye sa loob ng tatlo ng pitong henus o sari na nasa loob ng subpamilyang Salmoninae: Salmo, espesye sa Atlantiko; Oncorhynchus, espesye sa Pasipiko; at Salvelinus, na kinabibilangan ng isda na paminsan-minsang tinatawag na tsar o tsaro. Ang mga isda na tinutukoy bilang trutsa ay kinasasamahan ng mga sumusunod:

 
Oncorhynchus: trutsang bahaghari, O. mykiss
 
Salvelinus: Trutsang pangsapa, S. fontinalis

Mga sanggunian

baguhin
  1. "What's an oily fish?". Food Standards Agency. 2004-06-24. Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-12-10. Nakuha noong 2012-06-06.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Isda ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.