Tsamporado (inumin)
Ang tsamporado o tsamporadong Mehikano ay isang atole, isang karaniwang inumin sa Mehiko, na gawa sa isang base ng tapay o masa ng mais na dinurog, tsokolateng itim at tubig na may kaunting baynilya, na pagkatapos hinalo upang maging malapot. Karaniwang pinapares ito sa tamales, isang karaniwang pagkain sa Mehiko.
Ito rin ang pinagmulan ng tsamporadong kinasanayan ng mga Pilipino, kung saan pinalitan ng nilugawang bigas ang tapay ng mais sa orihinal.
Pinagmulan
baguhinNagmula ang tsamporado bilang isang baryante ng atole, isang inuming may sari-saring lasa na nagmula sa mga Asteka na karaniwang iniinom sa Mehiko at ibang mga bansa sa Gitnang Amerika bago dumating ang mga Espanyol. Inani ng kabihasnang ito ang mais para sa iba't-ibang uri ng inumin at pagkain. Kung tutuusin, ang atole ay isang halo ng tubig at masa ng mais na karaniwang hinahanda nang mainit at ginagamit bilang banal na inumin sa ilang mga ritwal at seremonya.
Mga sanggunian
baguhin- Molina, Mónica. El champurrado, una deliciosa y nutritiva bebida mexicana. 30 de junio del 2011. http://viajerosblog.com/el-champurrado-una-deliciosa-y-nutritiva-bebida-mexicana.html Naka-arkibo 2015-04-14 sa Wayback Machine.
- Administrador. Atole. 21 de abril del 2007. http://www.mexicolindoyquerido.com.mx/mexico/index.php?option=com_content&view=article&id=119:atole&catid=259:bebidas-mexicanas&Itemid=108 Naka-arkibo 2016-03-07 sa Wayback Machine.