Tsart
Ang isang tsart ay isang grapikal na representasyon ng datos, kung saan "ang datos ay kinakatawan ng mga simbolo, tulad ng mga bar sa bar tsart, o mga linya sa linyang tsart, o mga hiwa sa isang pie tsart". Ang tsart ay maaring kumatawan sa tsart ng mga talaan ng datos ng mga numero, mga punsyon o ilang mga uri ng mga mapaghambing na mga istruktura at nagbibigay ng iba’t-ibang impormasyon.
Ang terminong “tsart” bilang isang grapikal na representasyon ng mga datos ay may maraming kahulugan:
- Ang isang tsart ng datos ay isang uri ng diagrama o grap, na nagsasaayos at kumakatawan sa isang pangkat ng mga numerikong datos.
- Ang mga mapa ay ginayakan ng mga dagdag na impormasyon (palibot ng mapa) para sa isang tiyak na layunin na madalas ay kilala bilang mga tsart, tulad ng isang nauukol sa tsart sa nautika o sa tsart ng eronautika, karaniwang nakakalat sa loob ng mga ilang pahina ng mga mapa.
- Ang ibang mga dominyon tukoy sa konstruksyon ng pagbuo ay minsan ay tinatawag na mga tsart, tulad ng tsart ng kuwerdas sa pagtatanda ng musika o sa isang tsart ng registro para sa pagiging popular ng isang album.