Tshering Tobgay
Kailangang isapanahon ang artikulong ito. |
Si Tshering Tobgay ay isang politikong Butanes na naging punong ministro ng Butan simula noong 2013. Siya ang pinuno ng partidong oposisyon sa Pambansang Pagpupulong noong Marso 2008 hanggang Abril 2013. Siya rin ang pinuno ng Partidong Demokratikong Popular.[1]
Tshering Tobgay | |
---|---|
Punong Ministro ng Butan | |
Kasalukuyang nanunungkulan | |
Unang araw ng panunungkulan 30 Hulyo 2013 | |
Monarko | Jigme Khesar Namgyel Wangchuck |
Nakaraang sinundan | Jigme Thinley |
Personal na detalye | |
Isinilang | Haa, Bhutan | 19 Setyembre 1965
Partidong pampolitika | Partidong Demokratikong Popular |
Si Tobgay ay ang miyembrong tagapagtatag ng Partidong Demokratikong Popular at siya ay responsable sa pagtatag ng partido bilang unang rehistradong partidong pampolitika.
Naktanggap rin si Togbay ng batsilyer ng agham sa inhenyeriyang mekaniko mula sa Paaralang Swanson ng Inhenyeriya ng Unibersidad ng Pittsburgh noong 1990 at nakatanggap rin ng katibayang dalubhasa sa pampublikong pangangasiwa mula sa Pamantasang Harvard noong 2004. Nag-aral rin siya sa Indiya at sa Dr. Graham's Homes School sa lungsod ng Kalimpong sa silangang Himalayas para sa kanyang sekundaryong edukasyon.
Siya ay naging empleyado ng gobyerno bago siya pumasok sa politika. Pumasok siya sa Seksiyong Teknikal at Bokasyonal na Edukasyon sa ilalim ng Kagawaran ng Edukasyon noong 1991. Noong 1998, itinatag at pinamunuhan niya ang Pambansang Autoridad ng Teknikal na Pagsasanay at naging direktor ng Ministeryo ng Paggawa noong 2003 hanggang 2007.[2]
Mga Sanggunian
baguhin- ↑ "Opposition leader voices concerns". Kuensel. 2 Agosto 2008. Nakuha noong 13 Enero 2011.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)(sa Ingles) - ↑ "President". People's Democratic Party. Inarkibo mula sa orihinal noong 30 Oktubre 2013. Nakuha noong 27 Hulyo 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Panlabas na mga Kawing
baguhin- Blog ni Tsehring Tobgay Naka-arkibo 2019-09-18 sa Wayback Machine.
Mga tungkuling pampolitika | ||
---|---|---|
Sinundan: Jigme Thinley |
Punong Ministro ng Butan 2013–present |
Kasalukuyan |