Tubong pangsubok
Ang tubong pangsubok ay isang instrumentong panglaboratoryo na yari sa salaming binubuo ng habang tulad sa daliri, na may bukas na itaas, karaniwang may bilugang labi sa itaas, at may bilugang hugis "U" na ilalim. Mayroon itong mga sukat na dalawa hanggang mahigit pang mga pulgada ang haba, mula sa iilang mga milimetro hanggang mga dalawang sentimetro ang diyametro. Idinisenyo sila upang makapagsagawa ng maginhawang pag-iinit ng mga halimbawa, upang mahawakan sa loob ng apoy, at kalimitang yari sa hindi lumalapad na mga salamin, katulad ng mga salaming borosilikeyt (kilala sa mga tatak na Pyrex at Kimax).
Kilala rin ang pangsubok na tubo bilang tubong pangkultura, tubong panglinang, o tubong panghalimbawa. Tinatawag na tubong pangpakulo ang isang malaking tubong pangsubok na sadyang ginawa upang makapagpakulo ng mga likido. Karaniwang mas ginugustong gamitin ang tubong pangsubok kaysa mga basong panglaboratoryo kapag maramihang maliliit na mga kemikal o biyolohikal na mga halimbawa ang kinakailangang pangasiwaan at/o imbakin. Tinatawag na bakutubo (mula sa vacu-tube) o bakyuteyner (mula sa vacutainer) ang mga uri ng tubong pangsubok na maaaring gamitin upang mangulekta at mag-imbak ng dugo.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Kimika at Biyolohiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.