Tulay ng Krymsky
Ang Tulay ng Krymsky o Tulay ng Crimea[1] (Ruso: Крымский мост) ay isang nakabiting tulay na gawa sa bakal sa Mosku. Sumasaklaw ang tulay sa Ilog Moskva na 1,800 metro timog-kanluran mula sa Kremlin at nagdadala sa Singsing sa Hardin sa ilog. Kumokonekta ang tulay sa Plaza de Crimea sa hilaga kasama ang kalye Krymsky Val sa timog. Ang mga kalapit na istasyon ng Metro Mosku ay ang Park Kultury at Oktyabrskaya.
Nakumpleto ang umiiral na tulay noong Mayo 1, 1938, bilang bahagi ng ambisyosong muling pagtatayo ng bayan ng Mosku ni Joseph Stalin. Dinisenyo ng engineer na si V. P. Konstantinov at arkitekto na si A. V. Vlasov, ito ang pang-apat na tulay sa lugar na ito at ang tanging nakabiting tulay sa buong Mosku.[2]
Kasaysayan
baguhinItinayo ang unang ponton Tulay Krymsky sa kahoy noong 1786. Kasunod nito, muling itinayo ito bilang isang nakapirming daanang yari sa kahoy na may 15-metrong gitnang haba para sa mga bapor. Madalas na ikinasira ng kapwang tulay na kahoy ang yelo at baha, at madalas na kinailangang ayusin ito.[3]
Ang unang tulay na bakal na itinayo noong 1873 ni Amand Struve ayon sa disenyo ni V. K. Speyer, ay nagtampok ng dalawang 64-metro na kahong pansakla na suportado ng gitnang haligi. Lumipat ang trapiko sa loob ng pansakla na masikip at peligroso. Naglabas ang mga kumpanya ng trambya ng patakaran na isang tram lamang ang maaaring nasa tulay sa isang pagkakataon upang maiwasan ang mga pagkakabukuhan sa trapiko.[3]
Sa panahon ng muling pagtatayo ni Stalin ng Mosku, ang bawat tulay sa bayan ay itinayo muli o nakaiskedyul para sa pagwawasak. Ipinlanong mapalitan ang Tulay ng Krymsky noong 1935. Kinailangang patakbuhin ang lumang tulay hanggang sa makumpleto ang kapalit, dahil hindi kaya ng kabisera ng Sobyet ng pagkagambala ng serbisyo sa Singsing sa Hardin.Mula 21 Mayo hanggang 26 Mayo 1936, inilipat ang lumang tulay nang limampung metro mula sa pwesto nito sa mga pansamantalang haligi. Sa kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayang Sobyet, matagumpay na inilipat ang isang 4000-toneladang, 128-metrong istraktura. Aktibo ang dating tulay hanggang nakumpleto ang bagong tulay sa Mayo 1, 1938.[4]
Modernong tulay
baguhin668 metro ang kabuuang haba ng tulay kasama ang mga approach ramp (262.5 metro ang tulay mismo, sumasaklaw ng 47.25 + 168.0 + 47.25 metro). 38.4 metro ang buong lapad nito, kabilang ang isang 24-metrong kalsada (6 na linya) at dalawang 5-metrong linya ng tawiran.
Ang mga kadenang eyebar ay gawa sa bakal-SDS (СДС, Bakal [para sa] Palasyo ng Kasobyetan) na pinagsama ng NKMZ works, kung saan binubuo ang bawat kawing ng mga pirasyong may 4 na sentimetrong kapal at 93 sentimetrong lapad. Idinadala ng mga kadena ang dalawang pingga (mahigit sa 300 metro ang haba ng bawat isa), nakaangkla ang kanilang mga dulo sa napakalaking kongkretong panimbang. Binabagtas ang mga pingga ng mga halos 50-sentimetrong doble T na pinaagwat ng 1.6 metro; natatakpan itong mga doble T ng isang kongkretong palapag.
Isinasagisag ang tulay sa Sobyet na selyo nang dalawang beses: noong Marso 1939 at Disyembre 1948. Walang katulad na biswal, ang Tulay ng Krymsky Bridge ay isa sa mga pinakadi-epektibo batay sa gastos sa materyales. Nasaid nito ang halos 10,000 toneladang bakal, o 1 metrikong tonelada bawat metro kwadrado ng kubyerta (ito mismo ay may napakababang tagway ng paggamit ng lugar, mula 24 hanggang 38.4).[5]
Napalitan ang palapag ng tulay noong 2001. Noong pagkukumpuni nito, limitado ang trapiko, ngunit hindi kailanman sarado.
Mga talababa at sanggunian
baguhin- ↑ The adjective Крымский (Crimean) has different explanations, all referring to Crimean Tatars or Crimean Peninsula.
- ↑ Russian: Энциклопедия "Москва", M, 1997 (Encyclopedia of Moscow, Moscow, 1997)
- ↑ 3.0 3.1 Russian: Носарев В.А., Скрябина, Т.А., "Мосты Москвы", М, "Вече", 2004, стр.122 (Bridges of Moscow, 2004, p.122) ISBN 5-9533-0183-9
- ↑ Bridges of Moscow, 2004, p.124
- ↑ Bridges of Moscow, 2004, p.125