Tulong:Pag-login

(Idinirekta mula sa Tulong:Logging in)

Hindi kinakailangan na mag-login (o magtala o lumagda) bago tingnan o baguhin ang mga pahina. Ito nga ay nagbibigay ng mga karagdagang mga tampok (o features) at pangkalahatang nirerekumenda. Dapat kang mag-login kung hindi mo nais na maipakita ang iyong IP address. Napakasimple at mabilis ang paglikha ng isang personal na akawnt sa Wikipedia.

Pag-login

baguhin

Ang paglikha ng isang akawnt ay nangangahulugang na kailangan mong magbigay ng username (tinatawag din minsan bilang bansag o pangalan) na maaaring tunay na pangalan mo o bansag mo at isang password (tinatawag din minsan bilang hudyat. Hindi tatanggapin ng sistema ang username na gamit na. Nalilikha ang isang akawnt ng isang beses lamang. Pagkatapos malikha ang akawnt, naka-login ka na. Sa susunod na ikaw ay mag-login, ibibigay mo muli ang iyong username at password bilang katunayan na ikaw ang kaparehong tao naglikha ng akawnt. (Huwag mong ibahagi sa iba ang iyong password; maaaring magamit ng mali ang iyong akawnt, na magdudulot sa pagharang nito.)

Nakatala sa ilalim ng iyong username ang mga binago mo. Kung hindi ka naka-login, naitatala ang mga binago mo sa kasaysayan ng pahina kasama ang IP address ng iyong kompyuter o device.

"Pinag-isa" (alalaong baga, naa-access mula sa lahat ng proyekto ng Wikimedia) ang mga akawnt na kamakailan lamang nalikha. Maaaring pag-isahin ang mga luma at di-napag-isang akawnt sa Natatangi:Pagsanibin_ang_akawnt; makikita dito ang katayuan ng isang pinag-isang akawnt. Ang mga kagustuhan ay kasalukuyang tinatakda sa bawat wiki. Tingnan m:Single login.