Pagtanda
Ang pagtanda (Ingles: ageing, aging) ay ang katipunan ng mga pagbabago sa isang tao sa loob ng mahabang panahon. Sa mga tao, ang pagkakaedad ay binubuo ng ilang mga pagbabagong pisikal at sikolohikal. Ang senesensiya (Ingles: senescence) ay ang prosesong pambiyolohiya na humahantong sa pagtanda o "paggulang".[1] Nagkaroon ng maraming mga pagtatangka upang sagutin ang tanong na "bakit tumatanda ang mga hayop (partikular na ang mga tao)?[2] Ang pagtanda ay nagsisimula mula sa pagkapanganak o pagkakasilang ng isang sanggol, dahil pinaka mabilis sa panahong iyon ang paghahati ng selula at paglaki, at dahan-dahan itong bumabagal habang lumilipas ang panahon.
Pagbabago sa pagtanda
baguhinMayroong mga partikular na mga pagbabago sa mga tisyu ng katawan na may kaugnayan sa pagtanda at pasulong na lumilitaw kapag nalampasan na ang panggitnang yugto ng buhay, bagaman ang mga indibidwal, mga mag-anak, pati na ang mga lahi ay nagpapakita ng malawak na pagkakaiba sa kabilisan ng ebolusyon ng mga katangiang ito. Ang buhay ay napapanatili ng pagpupunyagi laban sa mga puwersa ng sari-saring mga uri (dahil sa bakterya, kemikal, at pisikal).
Sa kaso ng puso, na nagbubomba ng dugo sa gabi at sa araw taun-taon laban sa kakayahan ng mga daluyan ng dugo at ng grabidad. Habang napapanatili ng mga sisidlan ng dugo ang kanilang elastisidad o pagkanababanat, ang gawaing ito ay madaling nagagampanan, subalit dahil sa araw-araw na pagganap sa tungkulin ng mga ito at a impluwensiya ng mga nakakapinsalang mga sustansiya na dumadaloy sa dugo, ang mga daluyang ng dugong ito ay nagiging matigas. Ang epekto ay lumilitaw sa mga pagbabagong deheneratibo o panghihina sa puso at sa mas malubhang dami ng dugo at kahihinatnang retrogresibo (hindi pasulong o walang pag-unlad) na pagbabago sa mga tisyu at mga organo ng katawan. Nawawalan ng masa ang katawan o kaya ay tumataba ang katawan, nagiging matigas at malutong ang mga buto, nagiging kulay abo at nalalaglag ang mga buhok, nawawala ang kakayahan ng masel at ng isipan, at lumilitaw ang mga sakit sa mga bato, mga baga, at iba pang mga organo.[3]
Ang iba pang mga organo na sumasagupa sa labis na presyong mekanikal ay ang mga ngipin (kailangang palitan ng pustiso), mga panga, at mga kasukasuan. Humihina rin ang kakayahang tumunaw ng pagkain ng sistemang dihestibo, kung kaya't kailangang gawing payak ng diyeta at pagpapakaunti ng dami ng pagkain upang madaling tunawin. Kinakailangan ang pagbabawas ng dami ng protina at pangangailangan sa pagkaing nakapagbibigay ng init sa katawan. Ang pagkonsumo ng alak ay may natatanging epekto sa pagkakaroon ng sakit na arteryal. Nagiging mahalaga ang pag-eehersisyo ng mga tisyu ng katawan.[3]
Sa pagtanda, nagiging mahina na rin ang utak sa pagharap sa mga pagmamadali at pag-aalala. Kaya minsan, kailangan nila ng tulong sa lahat ng oras. Sa mga matatanda na wala nang pamilya, dinadala sila sa senior apartment[4] or tahanan para sa mga may edad na.
Tingnan din
baguhinMga sanggunian
baguhin- ↑ Medawar P.B. & J.S. 1983. Aristotle to Zoos: a philosophical dictionary of biology. Harvard University Press, p5 – 8. ISBN 0-674-04537-8
- ↑ Comfort, Alex 1956. Ageing: the biology of senescence. London: Routledge & Kegan Paul.
- ↑ 3.0 3.1 Robinson, Victor, pat. (1939). "Age changes". The Modern Home Physician, A New Encyclopedia of Medical Knowledge. WM. H. Wise & Company (New York).
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 21-22. - ↑ Halimbawa at ideya kung ano ang Senior Apartment | by Bellewood