Paypay

(Idinirekta mula sa Tunay na paypay)

Ang paypay, payumpong, o iskapula ay ang butong nasa pinakapalikpik ng likod ng katawan. Kung minsan natatawag ding "paypay" ang balagat, bagaman may kamalian.[1] Tinatawag ding omo o talim ng balikat ang tunay na paypay (hindi ang balagat). Pinaghuhugpong o pinagdirikit ng paypay ang mga humerus ("buto ng braso") at ang balagat. Ito rin ang bumubuo sa panlikurang bahagi ng lantik o girdel ng balikat. Sa mga tao, isang itong pisang buto, na may pagkatatsulok ang hugis, na nakalagay sa posterolateral o panlikod na tagilirang bahagi ng kulungan o kahang torasiko

Ang kinaroroonan ng iskapula o tunay na paypay (scapula) at ng balagat o klabikula (clavicle).
Ang dalawang nasa gilid na paypay, kapag tinanaw mula sa likuran ng piling bahagi ng kalansay ng katawan.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Gaboy, Luciano L. Scapula, paypay - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.

   Ang lathalaing ito na tungkol sa Tao at Anatomiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.