Turismo sa Malaysia
Ang Malaysia ang ikalawang pinakabinibisitang bansa sa Asya at ika-9 na pinakabinibisitang bansa sa buong mundo noong 2012. Ang turismo sa Malaysia ay bumubuo ng 7% ng ekonomiya ng Malaysia noong 2005. Noong 2012, ang Malaysia ay nagtala ng 25.03 milyong dumalaw na mga turista na paglagong 1.3% kumpara noong 2011. Ang kabuuang resibong turista ay tumaas ng 3.9%, na kumita ng MYR 60.6 bilyon.