Unibersidad Pangteknolohiya ng Ramon Magsaysay
Ang Ramon Magsaysay Technological University ay kaisa-isang unibersidad sa Zambales, Pilipinas na naitayo noong 1910 at naging isang ganap na state university noong 12 Pebrero 1998. Ang Main Campus ay matatagpuan sa kabisera ng Zambales, ang Iba, Zambales. Ang pangalan ng unibersidad ay ipinangalan sa tanyag na presidente ng Pilipinasna si Pres. Ramon Magsaysay. Meron itong ibang campus sa bayan ng Sta. Cruz, Candelaria, Masinloc, Botolan, San Marcelino, Castillejos na lahat ay sa probinsiya ng Zambales. Ang RMTU ay nagbibigay ng kursong nursing sa Mondriaan Aura College in SBMA sa ilalim ng consortium program.
Unibersidad Pangteknolohiya ng Ramon Magsaysay | |
---|---|
Itinatag noong | 1910 |
Uri | pamantasan |
Lokasyon | , |
Websayt | http://www.rmtu.edu.ph |
Noong 12 Pebrero 1998, ang Presidente Fidel Ramos ay pinirmahan ang Republic Act 8498 na isinulat ng 2nd District Representative ng Zambales Antonio Magsaysay Diaz. Ang Ramon Magsaysay Polytechnic College sa Iba, Western Luzon Agricultural College sa San Marcelino ( na may campus sa bayan ng Botolan), at Candelaria School of Fisheries sa Candelaria ay naging isang university system at kinilala bilang Ramon Magsaysay Technological University. Naging pormal itong unibersidad noong 2001 sa loob ng tatlong taon. Sa taong ding iyon, Dr. Feliciano S. Rosete ang naging unang pangulo ng unibersidad.
Sa pamumumuno ng administrasyon ni Dr. Feliciano S. Rosete, malalaking gusali at iba't ibang proyekto ang kanyang nilikha para sa lumalaking populasyon ng RMTU. Ang bilang ng mga kursong ibinibigay ng RMTU ay dumarami. Ilan dito ay ang pagbubukas ng kursong Business and Accounting, Nursing (MOA sa President Ramon Magsaysay Memorial Hospital), IT courses, Civil Engineering, Political Science at evening classes sa Main Campus. Ang unibersidad ay nakapagpasa na para sa accreditation sa education, engineering, industrial technology,agriculture and BSCS courses which acquired Level I and II status. Ang RMTU ay nakipagsanib sa Andong National University sa South Korea at naging daan upang ang mga guro at estudyante ay magkaroon ng pagkakataong makapag-aral sa South Korea. Ang Ramon Magsaysay Technological University na masasabi ang isa sa pinakamabilis umunlad na sinasang-ayunan ng Department of Budget and Management noong 2007 na kinilala ang RMTU bilang Level III-A University.