Unibersidad ng Bonn
Ang Unibersidad ng Bonn (Ingles: University of Bonn, Aleman: Rheinische Friedrich-Wilhelms-Universität Bonn) ay isang pampublikong unibersidad sa pananaliksik na matatagpuan sa Bonn, Alemanya. Ito ay itinatag sa kasalukuyan nitong porma noong Oktubre 18, 1818 ni Frederick William III, bilang ang kahalili ng Kurkölnische Akademie Bonn (Ingles: Academy of the Prince-elector of Cologne) na itinatag noong 1777. Ang Unibersidad ng Bonn ay nag-aalok ng malaking bilang ng mga programa sa antas undergraduate at gradwado sa malaking hanay ng mga paksa. Ang aklatan nito ay nagtataglay ng higit sa limang milyong volyum.
Kabilang sa mga nagtapos at nagturo sa pamantasan ay pitong Nobel Laureates, tatlong Fields Medalists, labindalawang Gottfried Wilhelm Leibniz Prize winners, at sina Prinsipe Albert, Papa Benedicto XVI, Frederick III, Karl Marx, Heinrich Heine, Friedrich Nietzsche, Konrad Adenauer, at Joseph Schumpeter.
50°44′02″N 7°06′08″E / 50.733888888889°N 7.1022222222222°E Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.