Unibersidad ng Calgary
Ang Unibersidad ng Calgary (Ingles: University of Calgary, U ng C o UCalgary) ay isang pampublikong unibersidad sa pananaliksik na matatagpuan sa lungsod ng Calgary, Alberta, Canada. Ang Unibersidad ng Calgary ay itinatag noong 1944 bilang isang sangay ng Unibersidad ng Alberta, bago naging isang hiwalay na unibersidad noong 1966. Ito ay binubuo ng 14 fakultad at higit sa 85 instituto sa pananaliksik at mga sentro. Ang pangunahing kampus ay matatagpuan sa hilagang-kanluran kuwadrante ng lungsod malapit sa Ilog Bow at isang mas maliit na kampus sa timog ay matatagpuan sa sentro ng lungsod.
Ang mga nagtapos sa unibersidad ay kinabibilangan nina James Gosling, OC, na nakaimbento ng Java (wikang pamprograma), dating Punong Ministro ng Canada, Stephen Harper, dating astronaut ng Canada na si Robert Thirsk, at tagapagtatag ng Lululemon Athletica, si Chip Wilson.
51°04′39″N 114°07′59″W / 51.0775°N 114.13305555556°W Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.