Unibersidad ng Cape Verde
Ang Unibersidad ng Cape Verde (Portuges: Universidade de Cabo Verde) ay isang pamantasan sa bansang Cape Verde. Ang unibersidad ay pinangangasiwaan ng Ministri ng Mataas na Edukasyon, Agham at Inobasyon. Ang pangunahing kampus nito ay sa Palmarejo, Praia sa Avenida Santo Antão, isang lugar na ipinangalan sa pangunahing heograpikal na tampok ng bansa.
University of Cape Verde | |
---|---|
Universidade de Cabo Verde | |
Sawikain | Sciencia via est Knowledge is the Way |
Itinatag noong | Nobyembre 21, 2006 |
Uri | Publiko |
Apilasyong relihiyon | AULP |
Pangulo | Mario Lima |
Rektor | Judite Nascimento |
Lokasyon | , |
Websayt | http://www.unicv.edu.cv |
Ayon sa Webometrics Ranking of World Universities noong 2016, ang unibersidad ay ang ika-apat na pinakamahusay sa mga bansang PALOP (Portuguese-speaking African countries) at ito ang pinakamahusay sa Cape Verde.
Ang Unibersidad ng Cape Verde ay may limang campus:[1]
- Palmarejo (pangunahing kampus)
- Mindelo
- Praia
- São Jorge dos Órgãos
- Ribeira Julião
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Spínola, Carlos Jorge Rodrigues. Educação Superior Em Cabo Verde [High Education in Cape Verde] (PDF) (sa wikang Portuges). PUC-RS, Brazil. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2015-09-24. Nakuha noong 2017-03-02.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
14°55′22″N 23°32′54″W / 14.92286°N 23.54844°W Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.