Unibersidad ng Cergy-Pontoise
Ang Unibersidad ng Cergy-Pontoise (Pranses: Université de Cergy-Pontoise ) ay isang unibersidad sa Pransya, sa lungsod ng Cergy-Pontoise.
Ito ay isang pampublikong unibersidad at nangungunang sentro ng pagtuturo at pananaliksik, na mayroong humigit-kumulang 17,700 mag-aaral at 1,500 internasyonal na mag-aaral.
Ang unibersidad ay matatagpuan sa kanluran ng Paris (30 km mula sa gitnang Paris), sa departamento ng Val-d'Oise .
Pinamamahalaan din ng unibersidad ang Institut d'études politiques de Saint-Germain-en-Laye (sa pakikipagtulungan ng Unibersidad ng Versailles).
49°02′20″N 2°04′30″E / 49.0389°N 2.075°E Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.