Unibersidad ng Chile

Ang Unibersidad ng Chile (Kastila: Universidad de Chile; Ingles: University of Chile) ay isang pampublikong unibersidad na matatagpuan sa Santiago, Chile. Ito ay itinatag noong Nobyembre 19, 1842 at pinasinayaan noong Setyembre 17, 1843.[1] Ito ang pinakatanda at isa sa mga pinakaprestihiyoso sa bansa. Ito ay itinatag bilang ang pagpapatuloy ng dating kolonyal na Real Universidad de San Felipe (1738)[2], at may isang mayamang kasaysayang akademiko, pang-agham at panlipunang outreach. Ang unibersidad ay naglalayong malutas ang mga pambansa at rehiyonal na mga isyu at mag-ambag sa pag-unlad ng Chile. Ito ay kinikilala bilang isa sa mga pinakamahusay na unibersidad sa Amerika Latina para sa kanyang pamumuno nito sa mga larangan ng agham, teknolohiya, agham panlipunan, at sining sa pamamagitan ng paglikha, extensyon, pagtuturo, at pananaliksik.

Paaralan ng Inhinyeriya sa Beauchef Campus. Ang Bello orthography na ginagamit dito ay binuo sa pamamagitan ni Andres Bello.
Ballet Nacional Chileno (BANCH)

Ang ilan sa mga kilalang alumno ng unibersidad ay kinabibilangan ng Nobel laureate na si Pablo Neruda at Gabriela Mistral, at dalawampung pangulo ng Chile.[3]

Mga sanggunian

baguhin

33°26′40″S 70°39′03″W / 33.4445489°S 70.6509539°W / -33.4445489; -70.6509539   Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.