Pablo Neruda (12 Hulyo 1904 – 23 Setyembre 1973) ang sagisag-panulat at siya na ring naging legal na pangalan ng Chilenong makata, diplomat at politikong si Neftali Ricardo Reyes Basoalto. Hinango niya ang kanyang sagisag-panulat mula sa makatang Czech na si Jan Neruda. Noong 1971, nagwagi si Neruda ng Nobel Prize for Literature.

Pablo Neruda
KapanganakanNeftalí Ricardo Reyes Basoalto
12 Hulyo 1904(1904-07-12)
Parral, Chile
Kamatayan23 Setyembre 1973(1973-09-23) (edad 69)
Santiago, Chile
TrabahoMakata, diplomat
Nasyonalidad Chile
(Mga) parangalInternational Peace Prize (1950)
Nobel Prize in Literature (1971)


Lagda

Noong pa lang kabataan ni Neruda nang makilala na siya sa pagiging makatà. Sumulat siya sa iba't-ibang estilo – surealismong tula, epikong pangkasaysayan, tuluyang sariling talambuhay, hayagang manipestong politikal, at maerotikong tulang pag-ibig gaya ng isa sa kaniyang koleksiyon noong 1924, ang Twenty Love Poems and a Song of Despair. Malimit sumulat gamit ang lunting tinta, na kaniyang personal na simbolo sa pagnanais at pag-asa.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Patrick M. O'Neil, Great World Writers: Twentieth Century, Marshall Cavendish, 2004, p. 1062.

  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.