Unibersidad ng Edinburgh
Tulungang mapabuti po ito sa pamamagitan ng pagdagdag ng mga pagsipi sa mga sangguniang mapagkakatiwalaan. Tandaan lamang po na maaari pong mapagdudahan at matanggal ang mga hindi beripikadong nilalaman. |
Ang Unibersidad ng Edinburgh (Ingles: University of Edinburgh, dinadaglat na bilang Edin. sa post-nominals), na itinatag noong 1582, ay ang pang-anim sa mga pinakamatandang unibersidad sa mundo ng mga nagsasalita ng Ingles at isa sa Scotland. Ang unibersidad ay konektado sa kultura at kasaysayan ng lungsod ng Edinburgh, dahil maraming mga gusali sa makasaysayang Lumang Bayan ng lungsod ay kabilang sa unibersidad.
Ang Unibersidad ng Edinburgh ay niraranggo bilang ika-17 at ika-21 sa mundo ayon sa 2014-15 at 2015-16 QS Rankings. Ayon sa 2016-17 QS Rankings ito ay ika-19 sa mundo. Ito ay isang miyembro ng Russell Group, at ng League of European Research Universities, isang kasunduan ng 21 unibersidad sa pananaliksik sa Europa. Ito ay ikatlo sa may pinakamalaking kaloob sa anumang unibersidad sa United Kingdom, pagkatapos ng mga unibersidad ng Cambridge at Oxford.
55°56′51″N 3°11′14″W / 55.94739°N 3.18719°W Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.