Unibersidad ng Erlangen-Nuremberg
Ang Unibersidad ng Erlangen-Nuremberg (Aleman: Friedrich-Alexander-Universität Erlangen-Nürnberg, FAU) ay isang pampublikong unibersidad para sa pananaliksik na nasa mga lungsod ng Erlangen at Nuremberg sa estado ng Bavaria, Alemanya. Ang pangalang Friedrich-Alexander ay mula sa tagapagtatag ng unibersidad na si Friedrich, Margrabe ng Brandenburg-Bayreuth, at sa benepaktor nito na si Christian Frederick Charles Alexander, Margrabe ng Brandenburg-Ansbach.
Ang FAU ay ang pangalawang pinakamalaking unibersidad sa estado ng Bavaria. Ito ay may 5 fakultad, 23 kagawaran/paaralan, 30 kagawarang klinikal, at 19 may-awtonomiyang kagawaran.[1]
Mga sanggunian
baguhin49°36′03″N 11°00′17″E / 49.6007175°N 11.00472236°E Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.